Arjo

Cong. Arjo, kinumpirma ang kasal kay Maine ngayong 2023

May 1, 2023 Ian F. Fariñas 248 views

KINUMPIRMA ni Cong. Arjo Atayde na ngayong 2023 na magaganap ang kasal nila ng fiancee niyang si Maine Mendoza.

Ginawa niya ang rebelasyon sa episode ng Korina Interviews ni Korina Sanchez sa Net25.

Sa ngayon, ani Cong. Arjo, wala na ngang urungan ito. Pero secret pa ang exact date. Busy na sila sa pagpaplano at enjoy sila sa wedding preparations.

Nang tanungin ni Korina kung ano ang meron si Maine at nag-decide ang aktor-politiko na ito na nga ang “The One,” sagot niya, “Everything, eh. Everything about her. It just really click, Miss Korina. I can’t explain. Sabi ko nga there’s no slow mo, there’s no whatever like how it comes in fairytales but it is my fairytale. That’s how it is to me. It’s very sincere. It came in an unexpected way, unexpected time and actually, I think it’s the perfect time. We’re both emotionally ready, we’re both very happy, I guess I can speak for her.”

Napaka-praktical daw ni Maine, malambing, napaka-logical, kindhearted at God-fearing, dugtong pa ni Cong. Arjo.

AUTHOR PROFILE