Legal wives

Cong. Alfred enjoy sa lock-in taping ng ‘Legal Wives’

June 2, 2021 Eugene E. Asis 436 views

MAY special role ang actor-politician na si QC Congressman Alfred Vargas sa upcoming cultural drama series ng GMA Network na ‘Legal Wives.’

Gaganap si Alfred bilang si Naseer Macadato, ang kapatid ni Ismael na bibigyang-buhay naman ni Dennis Trillo. Si Naseer din ang unang asawa ni Amirah (Alice Dixson) na magiging asawa rin ni Ismael.

Ang Legal Wives ay tungkol sa isang lalaking Maranaw na si Ismael na may tatlong magkakaibang babaeng pakakasalan para sa iba’t ibang dahilan. Bukod kay Alice, kasama rin sina Andrea Torres at Bianca Umali sa tatlong asawa ni Dennis sa serye.

Samantala, naging maganda ang bonding ng cast base sa mga litrato na ipinasilip ni Alfred sa kanilang lock-in taping. Makikitang kasama niya sina Dennis, Al Tantay, Bernard Palanca, pati si Shayne Sava na gaganap bilang anak niyang si Jamilah.

“Macadato Family,” ani Alfred sa caption ng kaniyang Instagram post.

Kasama rin ni Alfred sina Dennis, Bernard, Kiko Matos, at Kevin Santos na nagbisikleta sa resort kung saan sila kasalukuyang naka-lock-in taping noong day off nila.

Carla maganda ang aura dahil ikakasal na

Sumabak na sa kaniyang unang araw ng lock-in taping si Carla Abellana para sa upcoming GMA series na ‘To Have And To Hold.’

Bibigyang-buhay ni Carla ang role ni Erica Gatchalian sa bagong series kung saan makakasama niya sina Max Collins (Dominique) at Rocco Nacino (Gavin).

Sa ipinasilip na behind-the-scene photos mula sa kanilang lock-in taping ay makikita si Carla na nakabihis bilang si Erica. Maraming netizens naman ang nakapansin sa blooming at fresh na aura ng Kapuso actress.

Komento pa ng isang netizen, “Sa look and aura palang, ang layo kay Adele. Very young, flirty. Ibang role naman at maganda, inaaral niya talaga. Good job Ms. Carla.”

Marami naman ang nagsabi na kaya maganda ang aura ngayon ni Carla ay sa dahilang malapit na itong ikasal sa boyfriend na si Tom Ropdriguez.

Kapuso love teams nasa Top 20 ng PH Choice Awards

Gabbi Garcia and Khalil Ramos

PASOK sa Top 20 list for Love Team of the Year ang ilang Kapuso love teams sa PH Choice Awards.

Kabilang sina Sofia Pablo at Allen Ansay; Mikee Quintos at Kelvin Miranda; Jillian Ward at Will Ashley; Joaquin Domagoso at Cassy Legaspi; Jak Roberto at Barbie Forteza; Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara; Gabbi Garcia at Khalil Ramos; Julie Anne San Jose at David Licauco; at Ken Chan at Rita Daniela sa pinusuan ng Filipino audience.

Hindi lang sa TV shows nila malakas ang mga naturang love teams. Maging sa social media ay umaabot sa milyon ang kanilang followers.

AUTHOR PROFILE