Confi Ang ilan lang sa mga casualty ng madugong kampanya laban sa iligal na droga ng dating Pangulong Rodrigo Duterte. File photo ni JON-JON C. REYES

CONFI FUNDS PINONDOHAN DAVAO DEATH SQUAD

December 3, 2023 Jonjon Reyes 147 views

Ayon kay ex-Sen. Leila de Lima

ANG madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay replica umano ng sinasabing mga pagpatay na ginawa ng Davao Death Squad (DDS) na inimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR).

Ayon kay dating Sen. Leila de Lima, lumabas sa imbestigasyon ng CHR na ang operasyon ng DDS ay pinondohan ng confidential funds ni Duterte noong siya ang alkalde ng lungsod.

Sinabi ni de Lima na ang impormasyong ito ay bahagi ng testimonya at rebelasyon nina Edgar Matobato at Arturo Lascañas at ilang pang resource persons na nakausap ng CHR. Si de Lima ay dating chairperson ng CHR.

“The drug war killings were just a replication of the DDS killings that we investigated in 2009. It would be very useful to take a look at that and make it a reference to the findings now in whatever findings that the ICC investigation team had gathered,” ani de Lima.

Nagpahayag ng kahandaan si de Lima na makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng madugong war on drugs ng Duterte administration.

Sinabi ni de Lima na ang ginawang imbestigasyon ng CHR noong panahong nito ay makatutulong din sa imbestigasyon ng ICC.

Bukod sa pagsasalita sa CHR, sina Montalbo at Lascañas ay humarap din sa pagdinig ng Senado. Nabalam naman ang imbestigasyon ng Senado dahil inalis si de Lima bilang chairperson ng Senate committee on justice and human rights.

Kapuwa umamin sina Matobato at Lascañas bilang dating miyembro ng Davao Death Squad.

Sinabi ni de Lima na organisado ang DDS at ginagamit umano ang intelligence fund sa pagpatay, reward system, iba pang operasyon ng organisasyon, at paggamit sa mga pulis.

AUTHOR PROFILE