Jasmine Curtis-Smith

Condo ni Jasmine inokupahan ng iba, ninakawan pa

May 25, 2021 Aster Amoyo 196 views

TWENTY-seven-year-old Fil-Australian award-winning actress Jasmine Curtis-Smith got a shock of her life nang malaman niyang may tumira sa kanyang pag-aaring condo unit na hindi niya alam. Hindi niya ito tinirahan for more than two years after itong ma-turn over sa kanya. She bought the unit about six or seven years ago bilang bahagi ng kanyang investment but don’t know how to handle it.

Before the lockdown last year, she decided to stay in her condo only for her to find out na ito’y tinirahan ng iba (before her) at ang masaklap pa ay ninakaw ang ibang gamit sa kanyang unit.

What an experience.

Melissa ikinasal na

THIRTY-one-year-old former Star Magic actress Melissa Ricks is now officially Mrs. Michael Macatangay after she married her non-showbiz fiancé sa isang intimate wedding ceremony sa Amerika over the weekend.

It was on August 29, 2020 nang mag-propose si Michael kay Melissa sa lugar kung saan sila unang nagkita at nagkakilala, sa Jesus the Anointed One Church in Rosario, Batangas. Ito’y dinaluhan ng kanilang respective families and close friends.

Since she met Michael, Melissa maintained a low-key relationship with him.

Si Melissa ay may 6-year-old daughter na si Keira Kelly sa kanyang non-showbiz ex-boyfriend na si Charles Togezaki. Wala pang isang taong gulang ang kanilang anak nang sila’y magkahiwalay.

Bago nakilala ni Melissa ang husband na niya ngayon na si Michael ay naging kasintahan niya noon ang ex-PBB housemate na si Paul Jake Castillo (na mister na ngayon ng actress na si Kaye Abad), Jake Cuenca (who is in a relationship with former beauty queen Kylie Verzosa) Matt Evans (na may asawa na rin, na si Katrina Farinas). Na-link din siya noon sa actor-politician na si Jolo Revilla (who is now married to former beauty queen Angelica Alita).

Hindi ikinakaila ni Melissa na bago niya nakilala si Michael ay nakaramdam siya ng takot being a single mom and jobless and that is when she turned to God.

“I felt hopeless, I didn’t have much money as I did, was a single mom, I was alone, I didn’t have work and I was scared,” pag-amin ng aktres sa kanyang Instagram post.

Hindi ikinakaila ng aktres na kasama sa kanyang dasal na sana’y makatagpo siya ng isang lalaking magmamahal sa kanya at sa kanyang anak (Keira), masipag, mabait at may takot sa Diyos at hindi siya binigo ng Diyos nang dumating sa kanyang buhay si Michael.

Cindy may bagong sexy movie

Cindy MirandaMATAPOS i-launch ng Viva Films sa sexy, suspense-thriller-drama movie na “Adan” along with Rhen Escano na dinirek ni Roman Perez at sinulat ng writer-director na si Yam Laranas in 2019, muling nagbabalik ang dating beauty queen-turned sexy actress na si Cindy Miranda sa isang panibagong sexy-drama movie na “Nerisa” mula sa panulat ng award-winning writer na si Ricky Lee at direksyon ni Lawrence Fajardo.

Sa pelikulang “Nerisa” ay makakatambal ni Cindy for the very first time ang actor na si Aljur Abrenica. Kasama rin sa cast sina AJ Raval, Sheree Bautista, Elizabeth Oropesa, Bembol Roco, Gwen Garci, Guji Lorenzana at si Sean de Guzman.

Ayon kay Cindy, kahit nagpapa-seksi siya sa pelikula, gusto umano niyang makilala siya bilang isang mahusay na aktres balang araw.

Ang pelikulang “Nerisa” ay maihahalintuhad sa past launching movies ng dating mga beauty queen-turned-actress na sina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa sa “Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa” in 1975 at “Isla” ni Maria Isabel Lopez in 1985. Ang dalawang nasabing pelikula ay parehong dinirek ng yumaong director na si Celso Ad Castillo.

Ang “Nerisa” ay nakatakdang mapanood sa Vivamax, ang streaming app ng Viva.

Aljur ipinaalam kay Kylie ang gagawing sexy scenes

Aljur AbrenicaHINDI ikinakaila ng aktor na si Aljur Abrenica na ang pagsasama nila ng kanyang wife na si Kylie Padilla ay hindi perfect katulad din ng ibang couple na dumadaan din sa mga pagsubok. Pero silang mag-asawa na rin ang gumagawa ng paraan na maayos ang problema sa kanilang pagitan lalupa’t may dalawa silang anak na dapat isaalang-alang, sina Alas Joaquin (almost 4) at Axl Romero (almost 2).

Si Aljur ang leading man ng dating beauty queen-turned actress na si Cindy Miranda sa solo launching movie nito under Viva Films, ang “Nerisa”mula sa panulat ni Ricky Lee at direksiyon ni Lawrence Fajardo.

Although pareho silang actor ng kanyang wife na si Kylie, pinag-uusapan umano nilang mag-asawa ang mga proyektong kanilang gagawin . Sa latest movie ni Aljur ay may mga sexy and intimate scenes siya with Cindy kaya ito’y ipinaalam na niya sa kanyang misis para walang maging isyu at problema.

Si Aljur ay huling napanood sa afternoon TV series na “Sandugo” na nagtapos nung isang taon.

Lopez scion marries second wife in simple rites

Ernie Lopez and Michelle Arville
Ernie Lopez and Michelle Arville with the groom’s brothers and partners

THE late chairman ng ABS-CBN Foundation at dating Secretary of Environment and National Resources, environmentalist and philanthropist na si Gina Lopez must be very happy in her grave dahil ipinagpatuloy ang kanyang advocacy program, ang “G Diaries” ng kanyang nakababatang kapatid na si Ernie Lopez, head ng Creative Programs, Inc. ng ABS-CBN kung saan nito kasama ngayon ang kanyang second and present wife na si Michelle Andrea Arville, ang section manager ng St. Luke’s Medical Center (BGC) Patient Experience Group. The couple got married in an intimate, simple jeans, sweat shirts and sneakers sa backyard ng kapatid ni Ernie, ang dating chairman at CEO ng ABS-CBN na si Gabby Lopez sa kanyang Hillsborough home in San Mateo, California, USA nung April 20, 2020 attended by their respective families.

Produced by ABS-CBN Foundation, ang “G Diaries” ay nagbibigay ng pag-asa, pagmamahal, inspirasyon at kooperasyon sa mga local communities na natutulungan ng programang sinimulan ni Gina several a couple of years ago bago siya pumanaw nung August 19, 2019.

Sa 8th season ng “G Diaries – Change the World Together” ay may bagong theme song (of the same title) na kinompos si Jenie Chan at inawit ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Subscribe, like, share and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE