
Complete package
PETMALU kung ihambalang sa social media ng famous vlogger na si Camille Trinidad ang kanyang hanep na kaseksihan.
Sa isang Instagram post kasi ng vlogger-businesswoman, ibinandera niya ang kanyang perfect body figure sa mga pasabog na mirror selfies.
Seksing-seksi naman kasi ang social media star sa suot niyang red floral two-piece bikini, talagang handang-handa nang maghain ng linamnam niya.
Mukhang bet na bet ngang nakikita ng netizens ang ganitong version niya, ang hirit nila kay Camille, “Fire, fire, fire, fire fire FIREEEE!!!” ang alindog ng bebot.
Masisipat nga sa larawan ang magandang hubog ni Camille. Kering-keri ngang makipagsabayan ng kanyang kakinisan sa mga celebrity.
Hulog na hulog din ang kanyang mga tagahanga sa ganda na kanyang ipinakita. Malaman sa kasarapan ang kanyang balakang. Pati nga ang sumingit niyang singit ay malinaw niyang inihain sa nasabing post.
Complete package kung ituring ng netizens ang mayroon si Camille. Lahat nga ng criteria para sa pagiging hottie at bombshell, may check kung siya ang ilalaban.
Hinangaan nga sa comment section ang kaseksihan ni Camille. Ayaw nilang awatin sa paghahain ng patakam ang internet personality dahil bet na bet nila ang ganitong uri niya ng post.
Hirit pa nga ng isang IG user, “paranas ng package mo!”