inton

Commuter, transport groups tutol sa ‘passenger bubble’

September 19, 2021 Jun I. Legaspi 368 views

TUTOL ang commuter at transport groups sa proposed “passenger bubble” kung saan kung saan magkakaroon ng mga sasakyan na “fully-vaccinated lang ang maaring isakay at meron din naman para sa hindi nabakunahan”.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), malinaw na diskriminasyon at franchise violation ang “refusal to convey passenger” na polisiya.

Sa isang interview, sinabi ni Inton na bukod sa LCSP, maraming tumututol sa panukala dahil diskriminasyon ito at labag sa franchise policy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board LTFRB).

Ang mga nagsusulong ng passenger bubble ay nagsasabing mas dapat isaalang-alang ang safety ng mga pasahero.

Pero ayon sa LCSP, ang mungkahi ay mahirap ipatupad dahil sa kakulangan ng mga sasakyan.

Ayon kay Inton, bukod sa proposed bubble sa public transportation ay may umiral nang diskriminasyon sa pubic transport.

Ani Inton, noong siya ay board member pa ng LTFRB ay ipinatigil at pinagmulta ang mga diskriminasyon na ginawa ng mga pasaway na public transport drivers at operators.

Kasama dito ang paglagay sa public transport ng “slim only” at “doble bayad kapag mataba” o kaya “ladies only sa harap.”

“Bawal po yan dahil tahasang diskriminasyon yan laban sa ilang uri ng pasahero dahil sa kasarian, hugis, ng katawan ang pinagdidiskitahan, ani Inton.

Discriminatiin din ang pagbabawal na isakay ang mga senior citizens at persons with disability. Ayon sa ibang public transport drivers, mabagal daw ang mga ito at malaking spasyo naman ang akupado ng mga PWD at dahil din sa mga discount sa pamasahe.

Payo ng LCSP, kapag nakaranas ng mga ganitong diskriminasyon, isumbong agad sa mga awtoridad at sa mga local government units na maaaring magpasa ng ordinansa laban sa mga diskriminasyon.

AUTHOR PROFILE