Default Thumbnail

Commuter, transport groups nagpasalamant kay PRRD, Sotto

June 17, 2021 Jun I. Legaspi 399 views

Isyu sa pagsuot ng face shield tinuldukan na

MARAMING salamat po mahal naming President Rodrigo Roa Duterte at Senate President Vicente “TIto” Sotto!

Ito ang taos sa pusong pasasalamat ang pinaabot ng commuter at transport group kay Duterte at Sotto matapos tuldukan ang isyu sa hindi pagsusuot ng face shield.

Ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LSCP) at mga affiliated commuter at transport groups sa buong bansa ay nagpapaabot ng taos sa pusong pasasalamat kay Pres. Duterte at SP Sotto.

“Halos lahat ng commuter at transport group agad nagpaabot ng pasasalamat sa mabilis na action na ginawa ng ating mahal na Pangulong Duterte,” saad ni Inton.

Ayon sa report, sa nangyaring meeting nila Duterte at Sotto Thursday ng gabi,ipatitigil na raw ni Duterte ang pagususuot ng face shield maliban na lang sa mga hospital.

“Malaking bagay ito lalo na sa mga commuters ng public transport! Hindi na magiging dahilan na maabala pa ang biyahe nila”, saad ni Inton.

Kasabay nito nanawagan si Inton sa mga local government units (LGUs) tulad sa Quezon City na i repeal na o amyendahan ang city ordinance na nagpapataw ng parusa sa hindi pagsusuot ng face shield.

Nauna rito naging controversial ang issue sa hindi pagsusuot ng face shield matapos mag-viral sa social media ang isang incident matapos parahin at pababain ang mag pasahero na walang suot na face shield.

Matapos pababain, inisyuhan ng ticket ang mga pasahero at pinagmumulta dahi umano sa paglabag sa policy.

Umaasa ang LCSP na malugod na susundin ng mga LGUs ang utos ng pangulo tungkol sa isyu ng hindi pagsusuot ng face shield.

AUTHOR PROFILE