David David Licauco

Comment ni David sa picture nina Barbie at Ji Soo umani ng libu-libong reactions

January 31, 2025 Aster Amoyo 126 views
Barbie
Barbier Forteza at Kim Ji Soo

SIMPLENG “Ay” lang ang na-comment ni David Licauco sa photo ni Barbie Forteza at South Korean actor Kim Ji Soo para sa kanilang pairing sa episode ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko.’

Umani ang comment na iyon ni Pambansang Ginoo ng 14,000 reactions at 800 replies mula sa mga BarDa fans.

After ‘Pulang Araw,’ may kanya-kanyang projects daw muna sina Barbie at David, pero may gagawin silang malaking teleserye soon.

Si David ay kasalukuyan namang kasama si Sanya Lopez sa pelikulang ‘Samahan Ng Mga Makasalanan’ ng GMA Pictures.

Vic at Pauleen sa Japan nag-celebrate ng 9th anniversary

Vic
Vic at Pauleen Sotto kasama ang mga anak na sina Tali at Moochi

SA Japan nag-celebrate sina Pauleen Luna and Vic Sotto ng kanilang 9th wedding anniversary kasama ang kanilang two daughters.

Ikinasal noong 2016 ang dalawa sa St. James The Great Parish Church in Alabang. Fast forward to 2025, their relationship, in Pauleen Luna’s words, is as “stronger than ever.”

Post pa ni Mrs. Sotto: “Thank you dear Lord for 9 blissful years with my dear husband! Grateful for all the blessings and the learnings you’ve given us.”

Jolina inalala ang kabataan nila ni Marvin

Jolina
Jolina Magdangal at Marvin Agustin

MULING magtatambal sina Jolina Magdangalat Marvin Agustin sa big screen sa pamamagitan ng ‘Ex Ex Lovers’ at maraming MarJo (Marvin-Jolina) fans ang natuwa dahil na-miss ang dalawa.

Nakilala bilang MarJo sina Marvin at Jolina noong 1996. Inalala ni Jolina ang kanilang samahan noong kanilang kabataan at sinabi niya na para silang “aso’t-pusa” dahil sa kanilang mga kakulitan at tampuhan.

Nabanggit ni Jolina na pinakamasaya siya tuwing magkaeksena sila ni Marvin.

“Kapag ‘yung may ginagawa tayo sa eksena tapos parang lumabas talaga yung emosyon. Kahit sobrang sakit ng eksena, halimbawa confrontation, parehong nadala doon sa eksena, para sa akin pinakamasaya ‘yun para sa loveteam,” sabi ni Jolina.

Ni-reenact nina Jolina at Marvin ang kanilang hindi malilimutang eksena sa kanilang pelikula na ‘Labs Kita… Okey Ka Lang?’

Ikinuwento ni Jolina, “Yung eksena dito kaya napasigaw na ako kasi talagang ang lakas na ng nararamdaman ko na it’s more than friends.”

Noong natanong kung TOTGA ba nila ang isa’t-isa ay nahirapan sumagot si Marvin.

Sinabi ni Jolina na kung iibahin ito bilang isang espesyal na kaibigan ay hindi naman daw nawala si Marvin sa kanyang buhay.

Ibinunyag nina Jolina at Marvin na nasimulan ang proyekto na ito noong 2018.

“Isa sa mensahe sa pelikula parang one of the best relationships ay friendship, hinding-hindi mawawala at maninimbang lagi ang pagkakaibigan sa isa’t-isa,” kuwento ni Marvin tungkol sa pelikula.

Sinabi nina Jolina at Marvin na dream project daw nila ang Ex Ex Lovers dahil noon pa man ay gusto na nila magkatrabaho sa isang film project na parang “90s vibes, yung romcom at makulit lang talaga at masaya.”

“Parang dream rin namin i-recreate, ‘yung ganito na ‘yung estado ng buhay namin, ganito na kalalim ‘yung friendship namin,” dagdag ni Jolina.

Rayver napakasaya sa late Christmas gift ni Julie Anne

Rayver
Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

HAPPY ngayon si Rayver Cruz dahil sa regalo sa kanya ng girlfriend na si Julie Anne San Jose na isang limited edition na Sheeran by Lowden ‘X’ Anniversary Edition guitar.

Christmas gift pa raw ito ni Julie kay Rayver na ngayon lang dumating from the U.K.

“Napakasaya ko ngayon kasi sinurprise ako ni Juls,” sey ni Rayver sa kanyang unboxing video on Instagram.

The limited edition guitar was released in celebration of the 10th anniversary of Ed Sheeran’s hit album, ‘X.’

May presyo ito na P73,900 at ang design nito ay “inspired by the tattoo Ed commissioned in 2014 to mark the album’s release.”

AUTHOR PROFILE