Default Thumbnail

Commando Gang member tiklo sa boga

July 9, 2023 Jonjon Reyes 289 views

INARESTO ng mga pulis ng Don Bosco Police Station 1 ang isang pinaghihinalaang miyembro ng Commando Gang matapos mahulihan ng improvised na baril sa Mel Lopez Blvd kanto ng Herbosa sa Brgy 110 sa Tondo, Maynila Sabado ng gabi.

Kinilala ni Lt. Col. Wilfredo Fabros Jr. ang suspek na si Arnold Casupanan, 35, ng Gate 12, Parola compound sa Brgy. 20 Tondo Manila.

Ayon kay Maj. Paul Benjamin, hepe ng Don Bosco PCP, nahuli ang suspek habang nagsasagawa ng Anti-Criminality Law Enforcement Operation at Oplan Galugad sina Cpl. Johnnie Ace Andaya at Cpl. Ariel Angeles bandang alas-11 ng gabi noong Sabado .

Biglang nagkagulo sa lugar at na-corner si Casupanan habang may hawak na improvised firearm na kilala bilang pen gun.

Inaresto ang suspek kasama ang isang live ammunition.

Nahaharap sa kasong paglabag alarm and scandal at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Law) ang suspek.

Inihahanda na ng mga pulis ang kasong isasampa sa Manila prosecutor’s Office laban kay Casupanan.

AUTHOR PROFILE