Aquino

Comebacking actor kinabahan at na-pressure sa bagong pelikula

December 2, 2024 Vinia Vivar 194 views

Nagbabalik ang aktor na si Karl Aquino sa pelikulang “Silip” ng VMX Plus kasama ang mga Viva stars na sina Rica Gonzales at Lea Bernabe.

Nagulat nga ang press nang dumalo siya sa mediacon ng said movie dahil malaki ang idinagdag ng timbang ni Karl at aminado siya rito.

Paliwanag ni Karl, happy kasi siya ngayon.

“Sabi nga, ‘di ba, ‘pag masaya ka sa buhay, kain ka nang kain. Pero ngayon, nagbabawas na ako (ng timbang),” sey ng aktor.

Matagal-tagal ding hindi napanood si Karl at aniya, hindi naman siya nag-quit sa showbiz.

“Hindi lang ako rin nabigyan ng project dahil siguro, may mga bago rin (na artista),” sey niya.

Nang matanong naman ang dalawang leading ladies niya na sina Rica at Lea kung kumustang katrabaho si Karl, napaka-gentleman daw ng aktor.

“Inaalagaan niya po kami,” sambit ni Lea.

Sabi naman ni Rica, same management sila ni Karl kaya kumportable siya sa aktor.

‘I’m really grateful po talaga na si Kuya Karl po ‘yung naging leading man ko dito. Kasi same management po kami so, magkapatid po kami talaga, so siya po talaga ‘yung nag-guide sa akin dito and sobrang alaga rin po niya talaga lalo na sa mga love scenes,” sey ni Rica.

Nang tanungin naman si Karl kung ano ang pakiramdam niya na siya ang solo lead actor sa “Silip,” ayon sa kanya, may konting kaba at pressure.

Pero sa tulong ng direktor na si Bobby Bonifacio Jr. ay maayos niyang nagampanan ang kanyang role.

Mapapanood na ang “Silip” ngayong December 3 sa VMX. Maaari ring i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store at Huawei App Gallery.

AUTHOR PROFILE