College school director timbog sa cyber libel

August 10, 2022 Jonjon Reyes 179 views

INARESTO sa bisa ng arrest warrant ang isang 48-anyos na school director ng isang kolehiyo dahil sa kasong 2 counts ng cyber libel sa panulukan ng R. Hidalgo at Bautista Streets sa Quiapo, Maynila, Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Manila Police District (MPD) P/Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco, ang suspek ay pawang residente ng Biak na Bato St. sa Tondo.

Base sa ulat ni PEMS Vicente Mabborang na isinumite kay P/Lt. Col. Ramon Nazario, commander ng MPD Station 14 sa Barbosa, Quiapo at dahil na rin sa direktiba ni Francisco sa pinaigting na “Manhunt Charlie”, matiyagang sinubaybayan ng mga operatiba ang wanted na suspek sa naturang lugar bandang 9:00 ng umaga.

Makaraang itimbre ng impormante, dito na inaretso ang suspek dala ang kanyang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Jaime Santiago ng Regional Trial Court Branch 271 ng Pasig City dahil sa kasong cyber libel na may piyansang P20,000.

Ang suspek ay kabilang sa “most wanted person” sa talaan ng MPD.

AUTHOR PROFILE