
Collab effort ng GMA at ABS-CBN hindi na mapipigilan
THERE’S no stopping ABS-CBN and GMA sa pagku-collaborate na naging posible nang mawalan ng prangkisa ang Kapamilya network nung May 5, 2020 during the Duterte administration.
Bukod sa napapanood na sa GMA ang long-running and top-rating noontime program ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime,” nag-collaborate din ang dalawang major TV networks sa hit primetime TV series na “Unbreak My Heart” in 2023 which was produced for GMA ng Dreamscape Entertainment. Kasunod na rito ang record-breaking movie reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang “Hello, Love, Again” which broke all existing box office records ng Filipino films.
Ang pinaka-bagong kolaborasyon ng dalawang major TV networks ay ang nalalapit na pagsisimula ng hit reality talent show na “Pinoy Big Brother: Celebrity Edition” na mapapanood na rin sa GMA at makakasama ng mga datihang hosts na sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo ang Kapuso talent na si Gabbi Garcia, gayindin sina Enchong Dee, Melai Cantiveros, Kim Chiu at Alexa Ilacad. Bukod sa mga Kapamilya stars and talents, makakasama rin bilang housemates ang ilang talents ng GMA kaya tiyak na mas magiging exciting ito.
Ang “Pinoy Big Brother: Celebrity Edition Collab” ay nakatakdang magsimula sa darating na March 9, 2025.
Samantala, dahil sa ongoing collaboration ng ABS-CBN at GMA, malaya na ring naipapahiram ng Kapamilya network ang ilan sa kanilang mga talents sa GMA.
Carlo pipirma sa Viva
MAGIGING Viva artist na rin ang actor na si Carlo Aquino dahil nakatakda itong lumagda ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) sa tanggapan ng Viva ngayong hapon ng February 20.
Bago ang contract signing with Viva, si Carlo ay nakagawa na rin ng ilang pelikula sa nasabing outfit na ang pinakabago ay ang recent Metro Manila Film Festival entry na “Hold Me Close” na pinagtambalan nila ni Julia Barretto na naging co-star din siya sa pelikulang “Expensive Candy” nung 2022.
Si Carlo din ang naging leading man ni Nadine Lustre sa pelikulang “Ulan” in 2019.
Ngayong nasa bakuran na si Carlo ng Viva, inaasahan na mas magiging visible ito sa mga TV and movie projects either produced ng Viva o maging sa ibang TV network and film outfits.
Carlo is married to Kapamilya actress na si Charlie Dizon. Meron na rin itong anak , ang four-year old na si Enola Mithi sa kanyang dating partner na si Trina Candaza.
The former child actor was formerly in a relationship with actresses Angelica Panganiban, Camille Prats and Maja Salvador.
In 2023, it was confirmed that he was in a relationship with Kapamilya actress, Charlie Dizon na kanyang pinakasalan nung June 9, 2024 sa isang private resort in Silang, Cavite.
Come June 9, 2025 ay ise-celebrate nina Carlo at Charlie ang kanilang first wedding anniversary.
Cedrick at Kate engaged na
2023 Metro Manila Film Festival Best Actor for the movie “GomBurZa” Cedrick Juan is now engaged to his girlfriend, ang actress na si Kate Alejandrino which the couple announced sa kanilang respective Instagram accounts ngayong Miyerkules, February 19.
The 34-year-old theater, TV and movie actor is bringing her relationship sa kanyang girlfriend to the next level. After the engagement, tiyak na ibabahagi rin ng engaged couple ang kanilang planong pagpapakasal.
Si Cedrick ay lumagda ng kontrata sa Media Quest Artist Agency ni Manny Pangilinan bilang isa sa 13 bagong talents ng kumpanya.
Ang actor ay pangalawa sa walong magkakapatid. Nagsimula siyang umarte sa theater in 2008 sa Dulaang UP ng University of the Philippines maging sa FEU Art Theatre Clinique ng Far Eastern University. Napasama siya sa musical play na “Mula sa Buwan (From the Moon),” isang musical adaptation of Edmond Rostand’s “Cyrano De Bergerac”.
Sa ibang role ng “GomBurZa” nag-audition si Cedrick pero ang role ni Fr. Burgos ang ibinigay sa kanya ng director na si Pepe Diokno na siyang nagbigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang first major acting award bilang Best Actor nung December 27, 2023 Gabi ng Parangal ng 2023 Metro Manila Film Festival.
Si Cedrick ay huling napanood nung 2024 sa isang TV series ng TV5, ang “Himala ni Nino”.
TBA Studios nagbabalik sa pamamagitan ng ‘Quezon’
ANG TBA Studios, isang independent film production company which was co-founded by Fernando Ortigas at EA Rocha ay balik sa pagpu-produce ng pelikula sa pamamagitan ng historical movie na “Quezon” ng Commonwealth President of the Philippines na si Manuel L. Quezon. Ito’y pagbibidahan ni Jericho Rosales who will play the title role with singer, actress-host na si Karylle playing the role of Manuel L. Quezon’s wife, Aurora Quezon.
Ang “Quezon” movie ay tatampukan din nina Mon Confiado as Emilio Aguinaldo, Benjamin Alves as the Younger Quezon, Romnick Sarmenta as Sergio Osmena, JC Santos as Manuel Roxas and Cris Villanueva as the older Joven Hernando (isang fictitious character).
Ang TBA Studios ay nasa likod ng mga critically-acclaimed movies at kasama na rito ang hit movies na “Heneral Luna” nung 2015 na pinagbidahan ni John Arcilla at “Goyo: Ang Batang Heneral” na tinampukan naman ni Paulo Avelino.
Ang “Quezon” ay pamamahalaan ni Jerrold Tarog na siya ring nagdirek ng “Heneral Luna,” “Goyo: Ang Batang Heneral” at marami pang iba. Bukod sa pagiging isang mahusay na director, si Jerrold ay isa ring mahusay na screenwriter, producer, editor at composer.
Vina nagtatrabaho para sa anak
SA recent guesting ng balik-Kapuso singer-actress na si Vina Morales sa “Fast Talk with Boy Abunda,” inamin nito na hindi madali ang maging isang single parent sa kanyang kaisa-isang anak, ang almost 16-year-old daughter na si Ceanna (sa kanyang ex-boyfriend na si Cedric Lee). Pero ang kanyang anak ang rason kung bakit siya naghahanap-buhay nang husto para mabigyan niya ito ng magandang future.
The singer-actress is back at GMA kung saan siya may upcoming TV series, ang “Cruz vs Cruz”. Huli siyang napanood nung 2022 sa ABS-CBN sa primetime TV series na ‘”Marry Me, Marry You,” isang romantic-comedy series kung saan tampok na mga bituin sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez na naging magkasintahan for a while.
Si Vina ay panganay sa apat na magkakapatid na pawang babae na ang bunso ay ang singer-actress na si Shaina Magdayao.
Boy muling lumagda sa GMA
MULING lumagda ng panibagong kontrata ang tinaguriang `King of Talk’ na Si Boy Abunda sa GMA Network last February 18, 2025.
Unknown to many, ang TV career ni Boy ay nagsimula sa Kapuso Network in 1994 sa showbiz-oriented talk show na “Show and Tell” na pinagsamahan nila ni Gretchen Barretto kasama sina Lolit Solis at Ai-Ai de las Alas na tumagal hanggang 1995. Ito’y sinundan ng “Startalk” nila ni Kris Aquino nung 1995 to 1999 bago sila lumipat ng ABS-CBN on the same year.
Bago naging talk show host si Boy ay naging PR consultant siya ng GMA.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.