Coleen

Coleen, join kay Billy sa France

March 10, 2022 Ian F. Fariñas 566 views

PARANG hindi napahinga nang matagal si Coleen Garcia sa pag-arte dahil umani ng pinuri sa press ang kanyang akting at mahabang monologue sa comeback film niya of sorts na Adarna Gang ng Viva Films.

Sey nga ng direktor nitong si Jon Red sa post-screening presscon, hindi na nabigyan ng credit ang aktres sa script na ginawa niya para sa nasabing eksena.

Ani Direk Jon, “Usually when I work with actors hinahayaan ko muna, tinitingnan ko muna kung anong gagawin nila. Ang comparison ko riyan is like painting, eh, it’s a blank canvass somebody has to put paint first and then we interact, so, ‘yun tinitingnan ko sa rehearsal, sa first take.

“Like ‘yung kay Coleen improvised pala ‘yung sa mirror lines niya, hindi na kita na-credit sa script ha (baling niya rito). Improv niya ‘yun. Nagulat siya nu’ng ginawa namin.

“Ang unang tinanong ko sa kanya is ‘aware ka ba sa politics na nangyayari sa atin ngayon tapos sabi niya hindi masyadong updated pero sinabi niya ‘yung stand niya.

“Tapos sabi ko magkakasundo tayo dito kasi ganito ‘yung ideya ko that we use the father as the metaphor then nagbatuhan kami ng lines pero siya (Coleen) ‘yung nag-improvise ng lines.”

Siyempre, flattered and misis ni Billy Crawford sa mga pagbati at papuri.

Sa totoo lang daw, du’n sa eksenang monologue siya pinakanahirapan.

Samantala, natanong din si Coleen tungkol sa planong pagtira ni Billy sa France at maiiwan sila ritong mag-ina.

Tsika niya, “It depends… sa date kasi kung walang tatamaan, pero for sure, sasama ako, depende kung sabay o susunod ako. For sure kung magtatagal siya roon kasama kami ng baby (Amari).

“Meron na siyang isang sure (show) na one month, kasama kami but we’re praying for other things as well by the end of the year at kung matuloy ‘yun may wedding din kasi ‘yung friend ko, so, baka sumunod na lang ako.”

Anyway, mapapanood na ang Adarna Gang sa Marso 11 sa Vivamax. Kasama rin sa cast sina Diego Loyzaga, Rob Guinto, Kat Dovey at Aivy Rodriguez.

AUTHOR PROFILE