coco

Coco, todo-pasasalamat sa pagdami ng online viewers

June 5, 2021 People's Tonight 185 views

Labis ang pasasalamat ni Coco Martin sa patuloy na pagdami ng mga sumusubaybay gabi-gabi sa pambansang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano sa YouTube sa Kapamilya Online Live ng ABS-CBN.

“Dahil po sa inyo, lalo po kaming ginaganahan magtrabaho kahit napakahirap ng sitwasyon ngayon because of COVID-19. Kapag naririnig namin na nandyan pa rin kayo para samahan kami gabi-gabi ay patuloy na nagpapalakas ng loob namin, kahit ano ang lungkot, hirap na pinagdadaanan namin ngayon. Kayo po ang nagbibigay ng lakas sa amin,” pahayag ni Coco sa isang TV Patrol report.

Walong magkakasunod na episodes nang sinira ng programa ang sarili nitong record ng pinakamaraming viewers na sabay-sabay na nanonoood sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Nu’ng Hunyo 3, nagtala ng 154,039 live concurrent viewers ang programa na tumutok sa madugong pakikipaglaban ni Cardo (Coco), Lia (Jane de Leon) at Task Force Agila sa batalyon ni Renato (John Arcilla) na nauwi sa pagkakasawi nina Teddy (Joel Torre) at Virgie (Shamaine Buencamino).

Marami sa mga kasama ni Cardo ang sugatan pero matagumpay naman silang nakatakas mula kay Renato.

Saan na sila pupunta ngayong wala na silang mababalikan at wanted pa rin sila ng batas?

Huwag palampasin ang mga maaaksyong eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV at iflix.

I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng Huwag Kang Mangamba.

Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

boy abundaGKNB, FYE, MYX at SeenZone, milyon na ang followers

Mahigit isang milyong viewers na ang tumatangkilik sa channels ng Creative Programs, Inc. (CPI) sa Kumu. Nitong nakaraang 10 buwan ay inilunsad ng cable content at distribution company ng ABS-CBN ang FYE Channel, GKNB, MYX at SeenZone sa lumalaking digital platform dala ang masasaya at nakaka-inspire na live content para sa mga Pinoy mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hatid ang pambansang game show na Game KNB? ni Robi Domingo, ang GKNB channel ay meron ng 325,000 followers na maaaring sumali sa paboritong trivia game at manalo ng papremyo araw-araw. Napapanood din ang programa sa Jeepney TV sa cable TV.

Meron na ring 294,000 followers ang FYE Channel na talaga namang kaabang-abang ang iba’t ibang entertainment, lifestyle, at current affairs programs.

Patok sa FYE ang celebrity-oriented talk shows na Metro Chats, Kumu Star Ka ni Ahwel Paz, mga programang handog ng Cinema One na PopCinema nina Bianca Gonzalez at MJ Felipe at The Best Talk ni Boy Abunda, at pati na rin ang mga bagong handog nitong Anong Meron, Chikkaness? at Showbiz Café. Tampok din sa FYE Channel ang mga programang Anything K ng TikTok star na si Kristy Cho at Feel at Home ni Chef Gene Gonzalez.

Hindi naman papahuli ang MYX Philippines @myxph na meron nang 259,000 followers kung saan mapapanood ang live gigs na hatid nito sa MYX Pwestuhan pati na rin ang kwelang dating game show na MYX and Match at ang Kwentong Barber ni Edward Barber.

Andyan din ang all-star, all-day tambayan channel na SeenZone na meron nang 148,000 followers sa ngayon na tinututukan ang hatid na live performances, educational shows, cooking tutorials at iba pang handog ng bagong digital channel.

Makisaya na sa lumalaking kumunity at abangan ang inyong paboritong Kapamilya streamers sa iba’t ibang CPI channels.

Bagong DepEd TV episodes, napapanood sa GMA Affordabox at GMA Now

Tuluy-tuloy ang pag-aaral ng kabataan habang nananatiling ligtas sa bahay with DepEd TV, na ngayon ay opisyal nang napapanood ang new episodes sa Channel 7 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Available din ito sa iba pang digital TV receivers.

Mula Lunes hanggang Sabado, 7 a.m. to 7 p.m., iba’t ibang subjects ang mapapanood dito para sa mga estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 10.

Magbibigay rin ang DepEd TV ng quick tips upang maging ligtas mula sa COVID-19.

Sa ngalan ng Serbisyong Totoo, hinahatid ng GMA Network ang digital channel na ito nang libre in cooperation with the Department of Education.

ajakadaAjakada, aaliwin ang Pinoys sa South Korea

Concert at ilan pang sight-seeing trips ang inihanda ng Ajakada nina Donny Pangilinan, Kristel Fulgar, Shine Kuk at Robi Domingo para sa mga chingu at virtual travelers sa finale ng Aja! Aja! Tayo sa Jeju ngayong Hunyo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z at iWantTFC.

May concert na naghihintay sa Filipino community sa Jeju Island mula sa Ajakada at sa Billboard-nominated boy group na SB19, na aawit ng kanilang hit song na Go Up.

Sa mga huling araw nila sa isla, mamimitas ang Ajakada ng tangerine bago lumipad pabalik ng Seoul.

Bago naman bumalik sa Manila, tutungo muna ang Ajakada sa Blue House, official residence ng namumuno ng South Korea, at pupuntahan din nila ang kilalang cultural exhibition space na K-Style Hub kung saan mas makikilala pa nila ang makulay na kultura ng bansa.

Layunin ng Aja! Aja! Tayo sa Jeju ng ABS-CBN at ShowBT Philippines na ipakilala ang mga Pilipino sa kultura ng South Korea at ipakita ang ganda ng Jeju Island sa pamamagitan ng mga fun challenge at iba pa.

Samahan muli ang Ajakada sa pagtatapos ng kanilang paglalakbay sa Jeju Island sa huling dalawang linggo ng programa tuwing Sabado, 10 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at A2Z.

Mapapanood naman ang advance episode nito tuwing Huwebes, 8 p.m., sa iWantTFC.

AUTHOR PROFILE