Julia

COCO SUPORTADO ANG PAG-A-ACTION NI JULIA

December 5, 2024 Vinia Vivar 108 views

Ayon kay Julia Montes, hindi siya pinigilan ng real-life partner niyang si Coco Martin na gawin ang matitinding action scenes niya sa pelikulang ‘Topakk.’

In fact, binigyan pa siya ng safety reminders ng aktor.

“Proud siya. Kasi siya rin naman ‘yung unang nagturo sa akin kung papaano – hindi naman gumalaw – kung paano ‘yung safety. Proud siya, hindi naman mawawala ‘yun. ‘Yung mga safety tips, nagamit naman namin,” ani Julia sa mediacon ng ‘Topakk’ na ginanap last Wednesday.

“Siyempre ‘pag may baril, automatic ‘yan mag-iingat kasi may mga sparks na lalabas diyan. ‘Pag action, huwag masyadong in the zone. Kasi kaming mga artista ‘pag nag-e-enjoy kami, gusto namin kami na ang gagawa para kuha na ‘yung shot. Ganu’n namin kamahal ‘yung trabaho, minsan nakakalimutan namin na teka lang are we ready or equipped to jump, kasi hindi natin maiiwasan ‘yung accident,” aniya pa.

At hindi nga nakaiwas sa aksidente ang aktres nang mapako ang tuhod niya sa isang eksena na kinailangan niyang lumuhod sa sahig. Pero being the professional that she is, tinuloy pa rin niya ang eksena at siya na mismo ang nag-alis ng pako nang matapos ang scene.

“Kasi ‘yung eksena na ‘yun, nagko-confrontation na ‘yung mga character. ‘Yun ‘yung first meet up namin ni Arjo, so medyo intense na ‘yung mga bagay-bagay. Eh, nahiya naman akong i-cut (‘yung eksena) para sabihin na teka lang napako ako, so ang ginawa ko dahil intense ‘yung eksena, wala sa akin ‘yung camera doon ko hinugot ‘yung pako,” kwento ni Julia.

After the accident ay nagpa-tetanus shot siya and assured everyone na okay naman siya.

Ang ‘Topakk’ ay isang action-packed thriller at isa sa official entries sa 50th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Dec. 25. Mula sa direksyon ni Richard Somes, the movie also stars Arjo Atayde.

AUTHOR PROFILE