Juliacoco

Coco, singsing ang naisip na V-Day gift kay Julia

February 14, 2023 Vinia Vivar 364 views

Singsing ang naisip ibigay ni Coco Martin sa dating leading lady at rumored girlfriend na si Julia Montes kahapon, Valentine’s Day.

Sinabi ito ng Kapamilya Primetime King sa guesting niya sa Teleradyo show ni Amy Perez na Sakto kahapon ng umaga.

Natanong kasi si Coco kung ano ang naiisip niyang Valentine gift na pwede niyang ibigay sa kanyang mga naging leading lady at bakit.

Unang binanggit ni Amy si Andie Eigenmann na nakapareha ni Coco sa Minsan Lang Kita Iibigin noong 2011.

“Surf board,” ang sabi ni Coco na understandable naman dahil alam ng marami na love na love ni Andi ang surfing.

“Sobra akong natutuwa sa kanya. Kitang-kita kung gaano siya kaligaya, maayos ‘yung family niya, inaanak ko ‘yung anak niya, kumpare niya (ako). Sobrang bait niyan,” dagdag ni Coco.

Sumunod na tinanong sa kanya ay si Maja Salvador na nakapareha ng aktor sa Walang Hanggan at sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ani Coco ay plane ticket dahil ikakasal na ito.

Pahabol pa niya, “Best wishes, congrats!”

Sumunod na ngang binanggit ni Tyang Amy si Julia na ilang beses nang nakatambal ni Coco at ang huli nga ay sa FPJAP.

Nag-isip muna si Coco bago sumagot ng “singsing.”

Sigawan sa studio at kinantyawan na ang aktor na tawa nang tawa.

“Bakit singsing?” tanong ng co-host ni Amy. Tawa pa rin ng tawa si Coco.

Sey ni Tyang Amy, “Kayo naman, nagtatanong pa kayo kung bakit.”

Kantyaw pa niya, “Pinagpawisan tuloy si Coco, iharap n’yo nga ‘yung electric fan dito.”

Nahihiyang natatawa naman si Coco pero ipinaliwanag din naman niya kung bakit singsing.

“Kasi si Juls, ano talaga, eh, sobrang espesyal sa akin,” pag-amin ni Coco.

Siyempre, tuksuhan pa rin ang kasunod.

Anyway, binanggit din ni Amy ang iba pang nakapareha ni Coco tulad ni Erich Gonzalez, Kim Chiu, Bela Padilla, Yassi Pressman at ang bago niyang leading lady ngayon sa FPJ’s Batang Quiapo na si Lovi Poe.

Kay Erich ay massage chair daw dahil panatag na panatag na ang buhay nito.

Kay Kim, food na lang dahil sobrang yaman na raw nito at hindi niya alam kung ano ang ibibigay niya. Kay Bela naman ay camera dahil direktora na rin ang aktres.

Kay Yassi ay gym equipment dahil mahilig nga itong mag-work-out.

Kay Lovi naman ay mahilig itong mamasyal kaya may nag-suggest na jeep ang ibigay ni Coco.

AUTHOR PROFILE