Coco naglunsad ng sariling dishwashing liquid brand
TV Primetime King Coco Martin (who is Rodel Pacheco Nacianceno in real life) turned 43 last November 1, 2024.
Sa ngayon, napakalayo na ang narating ng award-winning actor, director, creative director, TV and film producer, celebrity endorser at ngayon ay isang matagumpay na entrepreneur matapos niyang i-launch kahapon (November 11, 2024) ang sarili niyang brand ng dishwashing liquid detergent, ang Bida Dishwashing. Bago ang launch ng produkto ay pinag-aralan lahat ng actor-director-producer and entrepreneur ang lahat ng logistics na may kinalaman sa kanyang sariling business na siya rin mismo ang personal endorser.
Bago narating ni Coco ang kanyang estado ngayon ay marami siyang hirap na pinagdaanan at gusto niya maging inspirasyon sa marami laluna ang mahihirap nating mga kababayan na lahat ay may pag-asang umasenso kung tutulungan nila ang kanilang mga sarili at kung sila’y magiging ma-diskarte sa buhay tulad ng kanyang ginawa.
Now considered as one of the most influential Filipino personalities in Asia, hindi ikinakaila ni Coco ang hirap na kanyang pinagdaanan noon taking on odd jobs tulad ng waiter, barista, driver, merchandiser, janitor at ipa pa para lamang maka-survive at makatulong sa kanyang pamilya at sa kanyang pag-aaral.
Maraming taon ang binuno ni Coco para marating niya ang kanyang kinaroroonan ngayon. Dumating pa sa point na lumipad siya patungong Canada sa pagnanais na kumita ng mas malaki pero pagkaraan ng siyam na buwan ay nag-desisyon siyang bumalik sa Pilipinas para rito makipagsapalaran.
It was a hard climb to the top for Coco at hindi niya ito ikinahihiya. Bagkus ay ginawa niya itong inspirasyon for him to strive harder para maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay, not only for himself but for his family lalupa’t bata pa siya nang magkahiwalay ang kanyang parents at lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang lola. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ng role ng isang lola sa kanyang ginagawang teleserye tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na tumagal sa ere ng pitong taon at itong tumatakbo niyang bagong serye, ang “FPJ’s Batang Quiapo” na magdadalawang taon na sa darating na Pebrero 2025.
Hindi ikinakaila ni Coco na idolo niya ang namayapang Movie King na si Fernando Poe, Jr. kaya binibigyang-buhay niya ang mga klasikong pelikulang ginawa nito tulad ng “Panday,” “Ang Probinsyano” at itong “Batang Quiapo” na lahat hango sa mga sikat na pelikula noon ni FPJ at mahaba ang listahan. Katunayan, si Coco ang nagbalik ng action genre sa telebisyon matapos bumagsak ang mga action movies at mga pelikulang Pilipino nung taong 1997 na hindi pa rin nakakabangon hanggang ngayon.
Kilala si FPJ hindi lamang sa kanyang mga box office hit movies noon kundi sa pagiging matulungin nito laluna sa mga kapuspalad na manggagawa sa industriya ng pelikulang Pilipino. At ito’y ipinagpapatuloy ngayon ni Coco na inspired sa ginawa noon ni FPJ nung ito’y nabubuhay pa. Sayang nga lamang at hindi nagpang-abot ang dalawa bago pumanaw si Da King pero nakabawi naman si Coco sa yumao na ring misis ni FPJ, ang movie queen na si Susan Roces na maraming taong nakatrabaho ni Coco sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” ang kanyang mapagmahal na Lola Flora.
Nung nabubuhay pa si Susan, nagkaroon sila ng malalim na relasyon ni Coco na itinuring niyang tunay na apo kaya ganoon na lamang ang sobrang lungkot ng actor-director nang sumakabilang-buhay ang kanyang Lola Flora (Susan’s well-loved character in “FPJ’s Ang Probinsyano”).
Pinasalamatan din ni Coco ang mga taong naging daan sa kanyang tagumpay ngayon. Nariyan siyempre ang award-winning indie director na si Brillante Mendoza, ang ABS-CBN management, ang yumaong head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal, lahat ng kanyang mga katrabaho, ang mga manonood na patuloy na sumusuporta sa kanya at sa kanyang mga serye at pelikula, ang kanyang pamilya lalung-lalo na ang Diyos na patuloy na gumagabay sa kanya.
Samantala, ang Coco+ company ni Coco kung saan nasa ilalim ang kanyang liquid dishwashing detergent soap ay isa lamang sa dumaraming negosyo ng actor-director-producer at businessman at kasama na rito ang kanyang iba pang investments.
BINI at SB19 pinatunayang kayang tapatan ang K-pop syndrome
BAGO pa man ang kanilang three-night sold-out concert at the Big Dome, ang “Grand BINIVerse” sa darating na November 16, 17 at 18, 2024,” pinarangalan ang nangungunang Nation’s Girl Group na BINI ng Best Asia Act ng 2024 MTV Europe Music Awards na ginanap in Manchester, England nung nakaraang Linggo, November 10, 2024.
Binubuo nina Jhoanna (na siyang lider ng grupo), Gwen, Mikha, Colet, Sheena, Maloi, Aiah at Stacey, tumanggap din ng parangal ang BINI ng Voice of Asia Awards at the Billboard’s K Power 100 na ginanap in Seoul, Korea kung saan din pinarangalan ang all-male P-Pop group na SB19.
Ang sunud-sunod na parangal sa BINI ay resulta ng kanilang hardwork at pagkakaisa bilang grupo sa tulong ng Star Magic at Star Music na siyang naniwala at nagtiyaga sa kanilang kakayahan.
Bukod sa kanilang hit songs, ang BINI ngayon ay isa sa pinaka-in demand P-Pop group sa mga product endorsements maging sa mga shows and concerts at mukhang kasunod na rito ang kanilang mga shows sa ibang bansa.
Hindi rin ipinipinid ng BINI members ang kanilang pangarap na pasukin din ang larangan ng pag-arte tulad ng ibang members ng SB19 na sina Stell at Justin.
Ang kasikatan ngayon ng SB19 at BINI ay maganda rin para sa mga Filipino fans na ang attention ay naka-focus sa mga K-Pop K-Drama and K-movie stars. Isa rin itong senyales na kaya ng mga Pinoy mag-create ng sarili nilang P-Pop stars na pinatunayan ng SB19, BINI kasunod na rito ang BGYO at iba pang P-Pop groups.
Christian gumawa ng sariling versions ng mga awitin ni Jose Mari
HINDI ikinakaila ng music icon, ang veteran singwr-songwriter at successful businessman na si Jose Mari Chan na hindi umano niya maiwasan na maging emotional each time na kanyang kinakanta sa kanyang audience ang kanyang mga classic songs laluna ang “Christmas in our Hearts” na naging favorite Christmas theme na ng mga Pinoy hindi lamang sa Pilipinas kundi maging ang ibang bansa.
Aminado si Joe Mari na ibang iba na umano ang henerasyon ngayon kumpara ng kanyang henerasyon. But he always encourages young singers and composers to continue their passion in writing songs kahit iba na ang music platform ngayon.
Kung meron man siyang ipapamana sa kanyang mga fans ay ang kanyang mga walang kamatayang kantang pinasikat na gusto niyang mabigyang-buhay ng bagong henerasyon.
Singer-actor and hitmaker Christian Bautista recorded an all-Jose Mari hit songs in one of his recorded albums. Karamihan din sa kanyang mga pinasikat na awitin ay ginamit din sa primetime TV series na “Love to Last” na pinagbidahan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion at naging hit din ang morning TV series na “Be Careful with My Heart” in 2012 to 2014 kung saan nabuo ang `loveteam’ nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap which also propelled their respective solo careers.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channels. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.
Catch my exclusive interview with the Streeboys on “TicTAlK with Aster Amoyo” and soon `Mr. Pure Energy’ Gary Valenciano.