coco and julia

Coco kasama si Julia nang dalawin ang puntod ni FPJ

August 21, 2022 Aster Amoyo 454 views

coco and juliacoco and juliaIKA-83 memorial birthday ng Movie King na si Fernando Poe, Jr. nung nakaraang Sabado, August 20.

Isa sa hindi nakalimot sa paggunita sa kaarawan ni FPJ ay ang actor, director, producer at celebrity endorser na si Coco Martin na dumalaw sa puntod ng yumaong mag-asawang FPJ at Susan sa Manila North Cemetery in Sta. Cruz, Manila.

It was only last August 12, 2022 nang magtapos sa ere ang top-rating and longest-running action-drama series on TV, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na tumagal ng pitong taon. Ang nasabing serye ay hango sa classic hit movie ni FPJ nung 1996, ang “Ang Probinsyano” na siya rin mismo ang nagdirek using his pseudonym, Ronwaldo Reyes. Napabilang din sa action-TV series ang Movie Queen na si Susan Roces sa pagsisimula ng serye in September 2015 until January 2022.

Si Susan ay sumakabilang-buhay nung nakaraang May 20, 2022 habang si FPJ ay nung December 14, 2004.

“Maligayang kaarawan sa taong nagbigay ng pag-asa sa mga taong nangangailangan. Ikaw ang aming idolo sa kabutihan at sa pagtulong sa aming kapwa! Mananatili po namin kayong inspirasyon. Ang nag-iisang Hari sa aming mga pusom Da King, Fernando Poe, Jr. (heart emoji),” post ni Coco sa kanyang social media account.

Kasama ni Coco sa pagbisita sa magkatabing puntod nina FPJ at Susan ay ang kanyang longtime rumored girlfriend na si Julia Montes.

Ngayong tapos na sa ere ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay marami ang humihiling ng Book 2 ng “Ang Probinsyano.” Pero may lumulutang namang balita na ang next na gagawin na teleserye ni Coco ay isa rin sa mga classic hit movies ni Da King, ang “Batang Quiapo” na pinagtambalan nila ni Maricel Soriano nung 1986 na dinirek ng yumaong ama ng magkakapatid na Randy, Rowell at Raymart na si Pablo Santiago.

Sa haba ng listahan ng mga pelikulang ginawa ni FPJ nung ito’y nabubuhay pa, hindi mauubusan ng material si Coco.

grace leeGrace Lee balik-Pinas

FORMER South Korean radio disc jockey and TV host in the Philippines Grace Lee is back not on radio or TV kundi bilang isang businesswoman matapos nitong i-put up ang kanyang sariling production outfit, ang Glimmer Productions in 2019.

Kahit pure Korean si Grace ay napaka-fluent nitong magsalita ng Tagalog at English. She was 10 when her family moved to Manila. Nagtapos siya ng kanyang elementary and high school sa St. Paul College in Pasig City and took Communications Arts sa Ateneo de Manila University where she graduated in 2006.

In 2007 ay nagsimula siyang maging disc jockey sa radio (with DJ Mo) sa 89.9 FM gayundin din ang kanyang unang hosting job sa telebisyon sa pamamagitan ng “Sweet Life” sa dating QTV. Nagtuluy-tuloy ang hosting job ni Grace sa iba’t ibang TV network kung saan siya gumawa ng sarili niyang pangalan.

Naging controversial si Grace nang siya’y ma-link sa yumaong binatang Presidente na si former Pres. Benigno Simeon `Noynoy’ Cojuangco Aquino, Jr.

Grace is turning 40 on October 4 pero walang balita kung siya’y single pa rin or in a relationship sa kasalukuyan.

jane deleonJane Darna na, Cinderella pa

MAITUTURING na modern Cinderella ang 23-year-old Kapamilya actress na si Jane de Leon dahil sa mga pinagdaanan nito sa buhay bago siya nabigyan ng break bilang actress ng ABS-CBN.

Although familiar si Jane sa Pinoy heroine na si Darna na makailang beses nang isinalin sa pelikula at telebisyon, never in her wildest dreams na isa siya sa gaganap sa iconic character.

Ang malaking break na ibinigay sa kanya ng pamunuan ng ABS-CBN ay napakalaking blessing hindi lamang para sa karera ni Jane kundi maging sa kanyang pamilya lalupa’t sumakabilang-buhay na ang kanyang ama na si Ruel Florencio de Leon may anim na taon na ang nakararaan.

Jane is left with her mother na si Maricor Benitez-de Leon and an older brother na si Francis.

ruru and biancaruru and biancaRuru at Bianca hindi na itinatago ang relasyon

HINDI na maikakaila ang relasyon ng dalawang Kapuso young stars na sina Ruru Madrid at Bianca Umali nang lumipad patungong South Korea ang huli para sorpresahin ang kanyang nobyo.

Nasa South Korea noon si Ruru at iba pang Kapuso stars na sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos at Angel Guardian and production team taping the local franchise ng reality show na “The Running Man Philippines”.

Matiyagang naghintay si Bianca na sorpresahin ang nobyo nang siya’y makita ng production team team na siyang gumawa ng paraan na bumaba si Ruru. To his surprise ay naroon si Bianca.

Naging emotional si Ruru na niyakap nang mahigpit ang kasintahan na almost three weeks din niyang hindi nakita.

Samantala, mapapanood na ang “Running Man Philippines” ngayong September 3 on GMA.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE