Pepito Manaloto

Coco, Julia magsasama sa isang pelikula

July 15, 2021 Aster Amoyo 235 views

ANG actress politician na si Ina Alegre (Jennifer Mindanao-Cruz), kasalukuyang mayor ng Pola, Oriental Mindoro ang nagbalita na may gagawing pelikula ang rumored sweethearts na sina Coco Martin at Julia Montes na pamamahalaan ng Cannes’ award-winning director na si Brillante Mendoza na kukunan mismo sa kanyang hometown kung saan siya tumatayong alkalde. Kasama rin sa pelikula ang co-star ni Coco sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Raymart Santiago at iba pa. Ayon kay Ina, dalawang linggo umano magsu-shoot sa kanyang hometown sina Coco at Julia na huling nagtambal sa pelikulang “A Moment In Time” nung taong 2013.

Sina Coco at Julia ay nagkalapit sa isa’t isa nang sila’y magsama sa hit primetime TV series na “Walang Hanggan” in 2012 na tumagal hanggang 2014. Nang magtapos ang “Walang Hanggan,” muling nagkasama ang dalawa sa isa pang TV series, ang “Ikaw Lamang” na tinampukan din nina Kim Chiu at Jake Cuenca.

Pinangunahan din nina Coco at Julia ang special episodes ng “Wansapanataym: Yamishita Treasures” in 2015 kung saan din nila nakasama ang child actor na si Alonzo Muhlach. Magmula noon ay hindi na muling nagsama in any project ang dalawa.

Tiyak na magiging masaya ang followers nina Coco at Julia na matagal nang humihiling na magsamang muli ang dalawa sa isang proyekto laluna sa tumatakbong long-running action-drama series ni Coco, ang “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Matagal nang nali-link sa isa’t isa sina Coco at Julia pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kinukumpirma ng dalawa sa kabila ng sightings sa dalawa na magkasamang nagbakasyon sa Boracay nung nakaraang March and most recently sa Greenhills shopping mall.

Kilala si Coco sa pagiging pribado pagdating sa kanyang personal na buhay pero since pareho silang taga-showbiz ni Julia, mahihirapan silang itago completely ang kanilang relasyon na nabiyayaan na umano ng isang anak.

Gerald dinalaw si Julia kahit sa bintana lang nakita

MULING nakita ang magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto na nag-boating at nag-fishing kasama ang pamilya ng young actress – ang mom ni Julia na si Marjorie Barretto at dalawang nakababatang kapatid ni Julia na sina Leon at Erich.

Magmula nang aminin ni Gerald sa talk show king na si Boy Abunda last March ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni Julia, mas naging open na ang dalawa sa kanilang relasyon.

Si Gerald ay napapanood gabi-gabi sa hit primetime TV series ng ABS-CBN, ang “Init sa Magdamag” habang si Julia ay malapit nang mapanood sa isang bagong TV series sa TV5 produced by Viva kung saan niya katambal si Marco Gumabao. Sa lock-in taping ni Julia sa kanyang bagong teleserye ay dumalaw sa kanya si Gerald pero sa bintana ng tinutuluyang hotel lamang sila nagkawayan.

Sef at Mikee may bonding sa regional fans ngayong Biyernes

BAGO sila mapanood sa “Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento” ay makikipag bonding muna ang Kapuso stars na sina Sef Cadayona at Mikee Quintos sa kanilang fans ngayong Biyernes (July 16) ng 8 am sa “Kapuso Fans Day on TV” hatid ng GMA Regional TV.

Napapanood ang “Kapuso Fans Day on TV” sa morning shows na umeeere sa local channels ng GMA RTV sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Binibigyang pagkakataon ng nasabing programa na maka-bonding ng fans ang kanilang favorite Kapuso stars—right from the comforts of their homes.

Suki nang maituturing sina Sef at Mikee sa mga mall show at other Kapuso events sa regions.

“Pinaka nami-miss ko sa regional mall shows ay ‘yung marinig ’yung crowd na sumabay kumanta with me. ‘Yung feeling na ‘yun is so incomparable,” pagbabahagi ni Mikee na gaganap na young Elsa sa ‘Pepito Manaloto Ang Unang Kuwento.’

Si Sef naman, na siyang magiging young Pepito sa nasabing show, marami na rin daw pagkakataon na naging host sa regional events.

“There are times na ako ‘yung host sa regional shows and happy ako kapag napapatawa ko ‘yung crowd. For me, nakakakuha ako ng lakas ‘pag may napapatawa ako, so thank you,” mensahe ni Sef sa kanyang supporters.

Marami pang stars ang makiki-bonding sa weekly “Kapuso Fans Day on TV” ng GMA Regional TV, every Friday at 8 a.m. na mapapanood via “Mornings with GMA Regional TV” sa North Central Luzon, “GMA Regional TV Live!” sa Central and Eastern Visayas, “GMA Regional TV Early Edition” sa Western Visayas, at “At Home with GMA Regional TV” sa Mindanao.

AUTHOR PROFILE