Coco

Coco highest paid actor-director in local TV

August 5, 2022 Aster Amoyo 70 views

PATINDI nang patindi ang mga nalalabing eksena ng longest-running action-drama series na “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ang nasabing serye ay magtatapos sa darating na August 12.

In last Thursday’s episode, August 4, apat na major characters ang nalagas, ang characters nina Geoff Eigenmann, Jimboy Martin at Jerome Ponce ng Black Ops at si Augustus, ang trusted aide ni Lily (Lorna Tolentino), isasa mortal na kaaway ni Cardo (Coco Martin) at ng Task Force Agila.

Dahil sa naturang episode, muling nakapagtala ang serye ng highest record ng digital audience on Kapamilya Online Live na umabot ng halos 361,000 views breaking the record made by the same program nung nakaraang July 11 na umabot ng 350,000 in just one episode.

The TV series was consistently number one for nearly five years nung hindi pa nawawalan ng prangkisa ang ABS-CBN. Pero hindi bumitaw ang audience ng serye hanggang sa pag-migrate ng Kapamilya network sa digital platform at pagkakaroon ng free TV share sa tulong ng A2Z at TV5.

Coco remains the highest paid Filipino actor-director on local television.

Star Magic stars, inuna ang pasyal kaysa show

BILANG bahagi ng 30th year celebration ng Star Magic ng ABS-CBN na pinamumunuan ngayon ni Direk Lauren Dyogi, isang US concert tour na pinamagatang “Beyond the Stars” ang ikinasa ng Kapamilya network sa ilan sa kanilang napakaraming stars and artists na magsisimula sa New Yor City, USA ngayong araw ng Sabado, August 6 na susundan ng San Francisco, California on August 12 at sa Los Angeles, California on August 14.

In between their concert tour ay may pagkakataon ang lahat na makapamasyal at mag-shopping kaya excited ang bumubuo ng grupo na ang ilan sa kanila ay first time na mangibang bansa at makarating sa Amerika. Ang group of stars and talents ng “Beyond the Stars” ay binubuo nina Zanjoe Marudo, Kim Chiu, Carlo Aquino, ang DonBelle nina Donny Panilinan at Belle Mariano, Alexa Ilacad at KD Estrada, ang dating magka-loveteam na sina Maymay Entrata at Edward Barber, Kyle Echarri, AC Bonifacio, Kian Kyla, Sab, Janine Berdin, Maris Racal, Andrea Brillantes. Angela Ken at iba pa.

While in New York, balak ng magka-loveteam (and sweethearts?) na sina Donny at Belle na makapanood ng Broadway play na siya ring balak gawin ng iba nilang mga kasama.

Bago tumulak patungong Amerika ang grupo ng “Beyond the Stars” aysila ng patikim ng kanilang show sa Newport Performing Arts ng Resorts World Manila last July 23 kung saan nila nakasama ang boyband na BGYO.

Before their New York concert ay nakapamasyal na ang iba sa kanila including Kim Chiu na nagliwaliw muna sa Disney World in Orlando, Florida.

Maja1Maja2

Maja bida na, line producer pa

PINASOK na rin ng actress, singer, dancer, host at entrepreneur na si Maja Salvador ang line production for Cignal Entertainment sa pamamagitan ng kanyang kauna-unahang sitcom na pinamagatang “Oh My Korona” na siya rin mismo ang bida at line production under her own Crown Artists Management which she co-owns and runs with her fiancé na si Rambo Nunez.

Noon pa gusto ni Maja na magkaroon ng sitcom pero hindi lamang siya nagkaroon ng pagkakataon.

When Maja and Rambo pitched the project to Cignal TV ay agad sila binigyan ng green light to go ahead with the project at magsisimula nangmapanood sa TV5 simula ngayong gabi ng Sabado, August 6 at 7:30 p.m.

Kasama sa “Oh My Korona” ang veteran comedian na si Joey Marquez with Kakai Bautista, RK Bagatsing, King Bautista. Pooh, Thou Reyes, at iba pa.

Bukod sa “Oh My Korona” TV sitcom on TV5, si Maja ay regular na ring napapanood sa top-rating and longest-running noontime show (in the world), ang “Eat Bulaga” bilang isa sa mga Dabarkads.

Samantala, ang Crown Artists Management ni Maja ay siyang nangangalaga ngayon sa respective careers nina John Lloyd Cruz at Miles Ocampo, among others.

GaryGary1

Julie Anne natupad ang isa pang pangarap

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang talented Kapuso singer-songwriter, musician, actress-host na si Julie Anne San Jose na makaka-collaborate niya ang isa sa kanyang tinitingalang OPM music icons na si Gary Valenciano sa pamamagitan ng kanyang bagong sinulat na kanta, ang “Di Na Akin”.

Naging possible ang music collab nina Julie Anne at Gary V. dahil sa panganay na anak ni Mr. Pure Energy na si Paolo Valenciano na siyang creative head ng “Limitless: A Musical Trilogy” ni Julie Anne. Ang nasabing musical experience ay pinarangalan ng Silver Award for Entertainment Special: Variety Special Category sa recently concluded na New York Festivals –TV and Film Awards.

Samantala, si Julie Anne ay nali-link ngayon sa kapwa Kapuso singer, actor, dancer-host na si Rayver Cruz.

Harlene

Harlene at Federico nagdaos ng second anniversary

KAHAPON, August 5 ay 2nd anniversary bilang magkasintahan nina Harlene Bautista at Federico Moreno, ang kaisa-isang anak ng yumaong Master Showman at star builder na si German `Kuya Germs’ Moreno.

Si Harlene ay ex-wife ng actor na si Romnick Sarmenta at merong apat na anak ang dating couple habang si Federico naman ay ex-husband ng sister ng singers, actresses at entrepreneurs na sina Vina Morales at Shaina Magdayao na si Sheila Magdayao kung kanino naman may four grown-up children si Freddie.

Aminado sina Harlene at Federico na matagal na silang magkakilala dahil kay Kuya Germs at sa “That’s Entertainment,” but it was only in late November 2019 nang magsimula silang maging close sa isa’t isa dahil close friend, barkada at ka-klase ni Freddie ang elder brother ni Harlene, ang actor-comedian at dating konsehal ng Quezon City na si Hero Bautista.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE