Apag

Coco, ’di nakatanggi kay Direk Brillante

March 30, 2023 Jun Nardo 338 views

WALA nang tanung-tanong pa si Coco Martin kay Direk Brilliante Mendoza nang sabihin nitong gusto siyang isama sa pelikulang Apag (The Feast) ng kanyang Center Stage Productions.

Eh, dahil malaki ang naitulong ni Direk Mendoza sa kanyang career, inayos ni Coco ang schedule niya sa taping at pumunta sa set ng Apag nang hindi alam ang role at mga eksena.

“Nagustuhan ko naman ‘yung project at heto nga, natapos kami nang maayos,” sabi ni Coco sa mediacon ng movie matapos ang screening nito.

Ipinalabas na sa international film festivals ang Apag pero nang sabihin kay Direk Dante na baguhin ang ending ng movie para sa Summer Metro Manila Film Festival, “Sinunod ko ang suggestion ni Coco na baguhin ang ending. Idea niya ‘yon!”

Tinawag ni Nestor Cuartero na “culinary violence” ang ending ng Apag at abangan ito sa mga sinehan sa April 8.

Very Brilliante Mendoza ang movie, huh!

#MAINEGOALS SEASON 3 NA

ABA, season 3 na ng #MaineGoals TV show ni Maine Mendoza sa TV5.

Bagong adventures, braver, fiercer, more people to meet, new experiences ang hatid ng vlog-like lifestyle show ni Meng.

Kasama ni Maine ang co-hosts na sina Chamyto at Chichi na mapapapanood sa training nila bilang flight attendants, professional racers, army reservists at mag-aaral para maging alahera, sapatero, mag-raise ng farm animals at kilalalnin ang mga tao sa perya.

Sa April 10, 8:30 a.m., sa Gandang Mornings ng TV5 unang mapapanood ang pagbabalik ng #MaineGoals habang ang extended version nito ay mapapanood sa Buko Channel, 8 p.m., via Pay TV sa Cignal at SatLite Channel 2.

Available rin ito sa Cignal Play via Live TV at Video On Demand.

AUTHOR PROFILE