Coco balitang magpapahinga muna

May 19, 2021 Aster Amoyo 169 views

MULING napapabalita na malapit nang magtapos sa ere ang top-rating and longest-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin na siya ring tumatayong creative director at co-director. Katunayan, huling lock-in taping na umano ng cast. Pero sa kabila nito, muling nagpasok ng bagong characters ang serye na kinabibilangan nina Cristina Gonzalez, Christian Vasquez, Enzo Pineda, Simon Ibarra, Paulo Angeles, William Lorenzo at Aya Fernandez.

Kapag nagtapos na ang “Ang Probinsyano,” magpapahinga lamang sandali si Coco at muli itong babalik sa ere with a new TV series. May lumulutang na balita na ang TV adaptation ng isa pang classic movie ni FPJ ang gagawin in Coco, ang “Batang Quiapo” na pinagtambalan noong 1986 nina FPJ at Maricel Soriano.

Sa rami ng magagandang pelikulang nagawa ang movie king na si Fernando Poe, Jr., hindi mauubusan ng material ang ABS-CBN at ang TV primetime king na si Coco. Ang isa pang magandang project para kay Coco ay ang 1980 classic movie ni FLJ, ang “Aguila” na dinirek ni Eddie Romero.

Samantala, umabot pa kaya ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa kanilang ika-anim na anibersaryo sa darating na September?

Lorin maraming namana sa ina

ANG 17-year-old daughter ng actress at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez na si Lorin Gutierrez Bektas ang pinakabagong karagdagan mula sa showbiz royalty ng mga Gutierrez.

Kamakailan lamang ay lumagda ng exclusive management contract si Lorin sa Viva Artists Agency (VAA) to signify her intention na pasukin na rin ang showbiz na kinabibilangan ng kanyang grandfather, ang dating Sampaguita matinee idol na si Eddie Gutierrez, her grandmother na si Annabelle Rama, her mom na si Ruffa, her uncles na sina Ramon Christopher, Tonton Gutierrez, Richard and Raymond Gutierrez at mga kapatid nitong sina Rocky at Elvis Gutierrez. Nariyan pa ang mga pinsan ni Lorin na sina Janine at Diego Gutierrez.

Since papasukin na ni Lorin ang showbiz, malamang na hindi na matuloy ang kanyang pag-aaral sa Amerika at dito na lamang sa Pilipinas niya ito ipagpatuloy.

Ayon kay Lorin, babalansehin umano niya ang kanyang studies at showbiz dahil nangako umano siya sa kanyang mom na tatapusin niya ang kanyang pag-aaral come what may.

Except for her mom’s height na 5’10”, minana ni Lorin ang beauty and talent ng kanyang ina. She’s also a talker just like Ruffa.

Ayon kay Lorin, her family did not push her to enter showbiz kundi sarili umano niyang kagustuhan. Ang ikinatutuwa ng teener ay ang pagiging supportive ng kanyang family sa naging desisyon niyang mag-showbiz lalung-lalo na umano ang kanyang mommy na si Ruffa, her grandfather na si Eddie laluna ang kanyang grandmother na si Annabelle.

Sa darating na August 3 ay magdi-debut na si Lorin pero wala umano siyang balak na magkaroon ng grand debut dahil sa pandemic. Isang simpleng salu-salo with her family lamang ang gusto niya. After all, naranasan naman daw niya ang isang big party when she turned 16 in 2019.

Sa Los Angeles, California, USA ipinanganak si Lorin pero dito siya sa Pilipinas lumaki. Inglisera si Lorin at natuto umano siyang magsalita ng Tagalog by watching Tagalog teleseryes at ilang movies na nagawa ng kanyang mom. Growing up ay nasanay na umano siya sa showbiz.

Given the chance, gusto umano niyang makatrabaho ang kanyang Tita Anne Curtis na very close sa kanilang family maging ang superstar ngayon na si Katrhryn Bernardo. But she trusts Viva kung anong project ang ipagkakatiwala sa kanya maging ang mga artistang makakasama niya.

Si Anne Curtis ay nasa pangangalaga rin ng Viva since she was in her teens.

Since napakaganda ng PR ng mommy ni Lorin na si Ruffa at isa sa well-loved in showbiz, tiyak na isa ito sa ipapamana ni Ruffa sa kanyang panganay.

Ngayong pinasok na rin ni Lorin ang showbiz, sumunod kaya sa kanya ang kanyang younger sister na si Venice (16)?

Sina Lorin at Venice ay dalawa sa mga anak ni Ruffa sa kanyang ex-husband, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.

Ariana nagpakasal na

NAGPAKASAL na ang 27-year-old American pop star na si Ariana Grande sa kanyang fiancé , ang 25-year-old real estate agent na si Dalton Gomez over the weekend na ginanap sa backyard ng Montecito house ni Ariana in California, USA. It was a tiny and intimate wedding (less than 20) na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends.

The couple got engaged last December 2020 and were seen together in public nung nakaraang February.

Ariana was previously engaged to comedian Pete Davidson but the engagement was called off. Ang isa sa mga naging boyfriend ng American pop star, ang American rapper-singer, songwriter and record producer na si Mac Miller (Malcom James McCormick in real life) ay natagpuang patay sa kanyang bahay dahil nag-overdose ito ng drugs nung September 7, 2018. He was 26.

The award-winning singer-actress started her career when she was 15 in 2008 sa pamamagitan ng Broadway play na “13” pero mas nakilala siya nang husto nang kanyang gampanan ang papel as Cat Valentine sa Nickelodeon TV series na “Victorious” mula 2010 at ito’y tumagal hanggang 2019. But she was only 13 nang maging seryoso sa kanyang music career.

Simple but tasteful, ito ang naging description ng ilang nakasaksi sa intimate wedding nina Ariana at Dalton kung saan prominent ang white flowers na naka-dekorasyon sa buong Montecito backyard house ni Ariana.

Si Ariana ang nagpasikat ng napakaraming hit songs which include “Bang Bang,” “Positions,” “God is a Woman,’ “Thank you. Next,” “Side to Side,” “Rain On Me,” “Save Your Tears,” “Into You,” “Pov” at marami pang iba.

Rabiya kahit natalo suportado pa rin ng Pinoy fans

MUKHANG hindi na ipagpapatuloy ng kinatawan ng Pilipinas sa recently-concluded Miss Universe na ginanap sa Hollywood, Florida, USA na si Rabiya Mateo (24) ang sumali sa iba pang beauty competition both here and internationally dahil papasukin nito ang showbiz. Ito’y naging pahayag ng beauty queen bago nito lisanin ang Florida kung saan siya pumasok sa Top 21 ng 69th Miss Universe pageant.

Si Rabiya lang yata ang Filipina beauty candidate na sumali sa isang international beauty competition na natalo pero naging mainit pa rin ang suporta ng mga kababayan. Maybe because in their hearts, alam nila na malakas ang laban ng Ilonga beauty but was totally ignored by the judges. Hindi man lamang ito nakapasok sa Top 10 ng competition.

Sa kabila nito, may mga umaasa na sana’y sumali si Rabiya sa Miss World Philippines for her to represent the country sa Miss World competition o di kaya sa Bb. Pilipinas para siya ang maging kinatawan sa ibang international beauty competition including Miss International.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE