Coco

Coco ayaw i-deprive si Julia ng dapat maranasan sa relasyon

January 14, 2025 Vinia Vivar 85 views

Marami ang nakakapansin na open na si Coco Martin ngayon tungkol sa kanyang relasyon kay Julia Montes unlike a few years ago na napaka-secretive niya when it comes to his love life.

Sa panayam ni Coco sa “Toni Talks” vlog ay pinuna rin ito ng host na si Toni Gonzaga.

“Naalala ko nu’ng 2015, ‘itanong mo lahat sa kanya, bold, lahat, indie, itanong na lahat pero ‘wag mong tatanungin sa love life ‘yan,’” kwento ni Toni habang tawa naman nang tawa si Coco.

Kaya kapag nag-uusap sila noon ng aktor ay puro tungkol sa trabaho at sa mga pangarap nito ang kanilang pinag-uusapan.

“Pero ngayon, open ka na,” sey ni Toni kay Coco.

Paliwanag naman ng aktor, “Actually, hindi ako open. Mayroon lang akong mga certain na kahit paano, sine-share ko.”

Sey pa niya, ayaw naman niyang i-deprive si Julia sa mga bagay na dapat nitong maranasan sa isang karelasyon.

“Ayoko namang ipagkait kay Juls na ni hindi man lang kami makalabas, makakain, ‘di ko man lang siya masuportahan,” he said.

Kantyaw ni Toni, “Uy, ngayon, sumu-support ka na! May pa-bulaklak na! Wow! This is really the new Coco! ‘Eto na talaga ang bagong Coco!

May pagka-showy na talaga siya.”

Aniya pa, expressive na ang aktor ngayon.

Natatawang nahihiya naman si Coco at sey niya, “Hindi naman.”

Seryosong paliwanag ng aktor, ayaw na niyang itago pa ang kanilang relasyon.

“Alam mo kasi, Tin, kasi kami dati, nakatago, eh. Siyempre minsan, alam ko, hindi man niya sa ‘kin sinasabi, na para bang ‘ano ‘to, habangbuhay na lang na para bang… parang never mo kong…’ alam mo ‘yon, ‘di ba?” sey ni Coco.

Gusto naman daw niyang ipakita sa lahat ang pagmamahal kay Julia even in a simple way katulad ng pagdadala ng flowers sa set o sa premiere night ng proyekto ng aktres.

Talaga raw hindi siya sanay sa mga ganito at ikinuwento ang isang experience na halos ayaw niyang iabot ang flowers kay Julia dahil nahihiya siya.

“Nahihiya ako, eh. Kasi, parang corny, hindi ko personalidad,” natatawang sabi ng aktor.

“Hindi ko alam ang gagawin ko, parang awkward sa ‘kin, eh,” dagdag pa niya.

Pinuri naman ng netizens ang pagiging considerate ni Coco hindi lang sa girlfriend kundi sa kanyang buong pamilya rin.

JUDAY BEST ACTRESS NA, WORLD-CLASS CHEF PA

JudayMasayang-masaya si Judy Ann Santos sa kanyang bagong achievement. Naka-graduate na siya ng kursong Professional Culinary of Arts Program sa Center for Asian Culinary Studies.

Makikita sa kanyang official Instagram account ang videos and photos ng kanyang graduation ceremony na ginanap recently.

“Yehey! Graduate na ‘ko at 46!” masaya niyang sambit sa isang video.

Sey pa ng aktres, “What a good way to start 2025. Akalain mo nga naman! Ibang klase ang universe sa akin today!”

Sa video ay makikita rin ang pagka-excited ni Juday bago pa man siya mag-martsa.

“Eh, ‘yung may graduation ako,” tila kinikilig niyang sabi. “Magma-martsa kami.”

Makikita rin na sinabitan si Juday ng dalawang gold medal at ipinagmalaki ito ng aktres sa kanyang IG Story.

“And… this happened today. Graduate na ako uli for my pro-asian culinary studies!! Yipeee!!! What a way to start 2025! Loving my golds!

Thank you Lord!” ang caption ni Chef Juday.

Dumagsa naman sa comment section ang pagbati sa aktres at komento nga ng isang netizen, “Best Actress na world class chef pa!”

AUTHOR PROFILE