Coco

Coco at Marya, nag-usap para sa ‘Batang Quiapo’

January 24, 2023 Ian F. Fariñas 91 views

KINIKILIG si Coco Martin na mapiling kapalit ng yumaong movie queen na si Susan Roces bilang bagong ambassador ng RiteMed.

Sa katatapos na media launch ng sikat na pharmaceutical brand para sa actor-director, sinabi niya na pakiramdam niya ay ipinamana sa kanya ni Susan ang kanyang legacy at advocacy.

“Sobra! Sabi ko nga ano, du’n ako kinikilig! Sabi ko nga ano, eh, kasi pakiramdam ko, ipinamana niya sa akin ito. ‘Yun ‘yung ano ko po, personal na ano ko po, parang may ipinamana sa akin si Tita Susan at ito ‘yon, ‘yung Ritemed,” turan ni Coco nang ma-interbyu ng People’s Tonight.

Nagpasalamat din siya kay Sen. Grace Poe, unica hija nina Susan at Da King Fernando Poe Jr., pati na sa mga pamangkin nito, sa suporta at lubos na pagtitiwalang ibinibigay sa kanya.

Bukod kasi sa pag-i-endorso ng RiteMed, malapit na ring simulan ni Coco ang TV remake ng isa pang FPJ classic, Batang Quiapo, kasunod ng top-rating na Kapamilya action series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Aniya, “Alam naman po natin na sila po ‘yung minamahal at nirerespeto ng mga Pilipino and then nandito ako na napagpala na mabigyan ng mga proyekto nila. Kaya maraming, maraming salamat talaga!”

Matatandaan na ang Diamond Star na si Maricel Soriano ang nakasama ni FPJ sa Batang Quiapo.

Kaya naman kwento ni Coco, nagkita na sila’t nag-usap ng kanyang Ate Mary ukol dito.

Perfect nga raw sana si Marya sa project, kaso nagkataon na may ginagawa itong serye, ang Linlang.

Ganunpaman, umaasa pa rin si Coco na magkakatrabaho pa rin sila dalawa sa lalong madaling panahon.

AUTHOR PROFILE