Cocojuls

Coco at Julia, binansagang ‘Rooftop Lovers’

July 19, 2021 Vinia Vivar 175 views

“Rooftop Lovers” ang tawag ng CocoJuls fans kina Coco Martin at Julia Montes na kasalukuyang nasa Pola, Oriental Mindoro para sa shooting ng kanilang reunion movie.

Sa Instagram page ng fan account na cocojuls4ever ay sunud-sunod ang pagbabahagi ng fans ng behind the scenes sa shooting na talaga namang kinakiligan ng mga tagahanga.

Isa nga sa mga BTS ay ang mga larawan nina Coco at Julia habang magkatabi ang mga silya na nakaupo sa rooftop na tila nagre-relax at nagkukuwentuhan.

“The Rooftop Lovers???? Ang Bagong K-Drama,” caption ng fan account.

Sa isang caption naman ay nakasaad na “akalain mo yun, nakaabot na sa ‘bubong.’ Char! Ingat sa pagbaba.”

Needless to say, halos mahimatay sa tuwa ang CocoJuls fans. Na kahit magkatabi lang ang kanilang mga idolo at wala namang PDA (public display of affection) na nagaganap ay sapat na ‘yun para kiligin na sila nang bonggang bongga.

“Waaah mula dalampasigan hanggang bubong ng bahay ???? nakakainis grabe sila magpakilig at magpainggit ???? more more more,” komento ng isang fan.

“Grabe na kayo cocojuls nasa bubong nman how sweet tlaga kayo,” reaksyon naman ng isa pa.

Isa pang labis na ikinakilig ng fans ay ang kuha na inaabutan ng panyo o face towel ni Julia si Coco at ipinunas naman ito ng aktor sa kanyang mukha.

“Paano ba mag-alaga ang isang Julia Montes without having a matinding public display of affection?” ang caption ng short video.

“Kaya pa ba mga puso natin #cocojul,” komento ng isang fan.

As we all know ay matagal nang nali-link sina Julia at Coco at hanggang ngayon ay wala pang official na pag-amin ang dalawa though sa huling panayam ng aktres kay G3 San Diego ay inamin naman niyang in-love siya pero hindi na niya sinabi kung kanino.

AUTHOR PROFILE