Sunshine Cruz

Closeness nina Sunshine at Cesar, ugat ng hiwalayang Sunshine-Macky?

February 3, 2023 Jun Nardo 358 views

TIWALA ang nawala kay Sunshine Cruz nang kumpirmahing hiwalay na sila ng boyfriend na si Macky Mathay.

Ang kumpirmasyon ng hiwalayan ang isiniwalat ni Sunshine sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa show nitong Fast Talk with Boy Abunda.

Pero nagtatanong ang mga nakapanood at netizens.

May kinalaman ba ang closeness nina Shine at former husband Cesar Montano na nakasama ng aktres sa ilang okasyon sa pagkakalabuan nila ni Macky?

Samantala, kung hiwalay na sina Macky at Sunshine, reconciliation naman ang drama ngayon ng mag-asawang Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero na galing sa Paris at may sweet photos sa social media account ni Heart, huh!

Binati pa ni Sen. Chiz ang misis sa nalalapit nitong birthday sa Valentine’s Day nang ma-interview ni Arnold Clavio sa GMA-7.

AUTHOR PROFILE