Default Thumbnail

Clerk sa Makati court sinibak ng SC

July 7, 2023 People's Tonight 369 views

SINIBAK ng Supreme Court (SC) ang isang clerk sa Makati City Court na kumuha umano ng P277,000 koleksyon ng korte at pinalitan ang bahagi ito ng mga pekeng pera.

Kinumpiska rin ng SC ang mga benepisyo at prebilihiyo na matatanggap sana ng akusado. Hindi na rin ito maaaring pumasok sa anumang tanggapan ng gobyerno.

Ayon sa desisyon ng SC En banc ang empleyado ay napatunayang guilty sa paglabag sa Code of Conduct for Court Personnel, Serious Dishonesty, and Commission of a Crime involving Moral Turpitude.

“The High Court has consistently declared that thievery, no matter how petty, has no place in the Judiciary. Every employee of the Judiciary should be an example of integrity, uprightness, and honesty,” sabi ng SC.

Ayon sa cashier ng Makati Court, nakatanggap ito ng tawag mula sa nagpakilalang Lalamove rider at sinabi na mayroon itong mga dalang dokumento mula sa Korte Suprema. Pumunta ang cashier sa entrance pera hindi nahanap ang rider at hindi niya na rin ito matawagan.

Pagbalik ng cashier sa kanyang puwesto ay nadiskubre umano ang mga pekeng pera sa money drawer.

Ayon sa SC nadiskubre ng mga nag-iimbestigang pulis ang nawawalang pera sa isang itim na pouch at may mga nakitang pekeng pera sa basurahan sa tapat ng lamesa ng sinibak na empleyado.

Ang suspek ay nasampahan na ng kasong qualified theft.

AUTHOR PROFILE