Claudine tinalakan ang taong nagtraydor at nang-ahas sa kanya
May mahabang litanya si Claudine Barretto sa kanyang latest Instagram post. Tumatalak siya sa isang taong hindi niya pinangalanan at umahas daw sa kanya.
Isang art card na may imahe ng isang ahas ang ipinost ng aktres sa Instagram na nagsasaad ng “people who stay friends with your abusers aren’t your friends. Knowing what the abuser did to you and yet choosing to maintain a bond with them is a clear sign of lack of loyalty.”
Sa caption ay ipinahayag ng aktres ang galit at disappointment sa taong tumuklaw sa kanya.
“Sabi nila a Snake sheds their skin only to become a bigger snake. kaya ayoko ma mag peeling dahil ayoko maging ahas. masakit pala matuklaw,” simula ni Claudine.
Pagkatapos nito ay pinangaralan niya ang taong nag-betray sa kanya.
“Kung talagang mahal mo mga anak ko at mga claudinians d mo dapat ginagawa yang ginagawa mo.d na uso ang plastic ngayon. ang akin lang pag mga anak ko pati mga claudinians d mo nirespeto malaki problema mo.kaya tayong lahat maging POSITIVE AT BAWAL ANG NEGA. nakaka pangit yan,” sey niya.
“Basta ako mahal ko ang mga anak ko at mga Claudinians. mag mula ng d mo pinahalagahan mga bata at claudinians sorry we don’t deserve you. Godbless you pa rin.
“Sana masaya ka at sana wag ka na rin mang damay ng mga iba ko pang Kaibigan sa journey mo na saktan ako. kasi last day na ng libing ng friendship/BFF na to.kahit saang angle mo pa tignan mali yung wala kang paki alam sa mga fans ko at mga anak ko. so good riddance,” mensahe pa niya taong nanloko sa kanya.
Mukhang malalim at matindi ang ginawa ng taong ito kay Claudine na bukod sa idinamay ang mga anak niya at fans ay idinawit din ang kanyang kaibigan na hindi rin niya tinukoy kung sino.
“3 things to remember lang 1) wag mo masabi sabi mahal mo mga anak ko dahil kinawawa nyan mga bata 2) D ka na naawa sa mga Claudinians na niloko. mga Claudinians na napasok lang dito dahil sa kagustuhan makasama ako. 3) wag mo nang isali yung KAIBIGAN KO para tulungan kaibigan mo. ikaw na may sabi kaya mo lang pinakikisamahan sya dahil lang KAIBIGAN KO SYA DIBA? kasi toxic at obsessed sya sakin, pero kailangan mo tulungan yung taong nanloko sa mga Claudinians so pati kami nag kaka tampuhan when paunti unti na kami ok sinali mo pa talaga. d pa rin sapat na nasira tayo ng taong to noh. well done,” pagtataray ng aktres.
Sa comment section ay nagpahayag naman ng suporta sa kanya ang kanyang Claudinians though marami ang clueless kung sino ang kanyang tinutukoy.
“Kung ano man po ipinaglalaban mo Idol @claubarretto were here for you, palagi kaming nandito pra sayo. Hoping and praying for your peacefulness and Happiness… mahal na mahal ka namin,” sey ng isan fan.
“Totally agree, ate @claubarretto! It’s sad how some people stay friends with those who hurt us. Loyalty and respect should always be a priority. Keep being strong and true to your values. The real ones will always support you. We love you ate @claubarretto,” sabi naman ng isa pa.
“Sino ang umaaway sa mela namin HAHAHA,” tanong naman ng isa.