Claudine

Claudine nangakong ipaglalaban ang nalokong fans

August 14, 2024 Vinia Vivar 195 views

Nakatakdang magsalita si Claudine Barretto para linawin ang isyu tungkol sa pera ng kanyang fans na diumano’y naloko ng taong hindi pa niya pinapangalanan.

Sa Instagram post ni Claudine, pahapyaw na ikinuwento ng aktres na naglabas ng pera ang kanyang Claudinians sa Cebu para mapasama siya sa isang proyekto.

“Palanggas i will keep you all posted as to what time po ako mag la live. with special participation of some guests na kasali po sa issue na ito. but please before we judge since nakapag salita na sila ako naman at yung mga na biktima ang magsasalita. At the end of the day sana po maisip nyo kung bakit ko kailangan at i CLEAR yung mga Claudinians ko sa Cebu na tumaya ng malalaking halaga para lang makasama ako sa project at muntik na mailabas yung mga pera po ng mga claudinians ng cebu kung d pa po hinold yung tao na ito,” pahayag ni Claudine.

Ayon pa sa aktres ay hard-earned money ng fans niya ang in-invest ng mga ito sa proyekto at hindi pa alam kung maibabalik pa.

“I will not name this person but d ko rin para i tolerate sya na d na ma contact at d na ibinalik ang pera ng mga claudinians na investors na pinangakuang ibabalik nalang po yung pera. pero claro po na d nya na balak ibalik yung hard earned money ng mga fans/investors gaya ng napg usapan po namin..” aniya.

“Salamat po and see u later sa live.have a nice day ahead & Godbless you all Pahabol ko lang po after maisiwalat na namin ng mga fans i will take this post down dahil ayoko na po ng NEGATIVITY AT AWAY. D rin kaya ng konsensya ko na iwanan sa ere at ipaglaban mga fans ko dahil pumasok lang sila at nag labas ng pera para po makasama lang ako. ayoko na po ng mga away away,” sey pa ni Claudine.

Aniya pa, ipaglalaban niya ang kanyang fans kahit ano ang mangyari dahil mula noon hanggang ngayon ay hindi raw siya iniiwan ng mga ito.

“Yung TOTOO lang po.kung may mga gusto i judge ako tatanggapin ko po dahil ako buong buhay ko d ako iniwan ni minsan ng mg claudinians at RYCB at ng mga bagong RYCB N GEN Z.diba dapat lang ipaglaban ko mga fans ko na naging parang mga kapatid ko na.

“Inspite of everything that happened lalo namin minahal ang isat isa.wouldn’t u have done the same kung kayo po ang nasa katayuan ko po.dapat ko ba ipaglaban at ipagtanggol mga taong tumaya dahil sa akin o bahala na sil sa buhay nila? sorry po pero d ko po pagkatao yun.maraming salamat sa lahat ng tao na naiintindihan ako t kung saan ako nang gagaling,” pahayag pa niya.

Hindi pa malinaw sa post ni Claudine kung ano ba talaga ang nangyari at kung sinu-sino ba ang involved kaya abangan na lang natin ang buong kwento ng aktres.

AUTHOR PROFILE