Claudine

Claudine biktima rin ng pang-aabuso

November 4, 2024 Vinia Vivar 71 views

May mga nangba-bash kay Claudine Barretto dahil sa pagpapahayag niya ng suporta kay Rita Daniela na nagsampa ng reklamong acts of lasciviousness laban kay Archie Alemania noong nakaraang linggo.

Ipinost ni Claudine sa Instagram ang screenshot ng video call nila ni Rita na makikitang umiiyak habang kausap niya.

Sa caption ay sinabi ni Claudine na susuportahan at poprotektahan niya si Rita. Hinamon pa niya si Archie na siya ang harapin at pinayuhan ang aktor na mag-apologize na lang ito.

Nabanggit din ni Claudine na tulad ni Rita ay naging biktima rin siya maraming taon na ang nakararaan.

“I will always protect anyone who is going through this for i myself was a VICTIM YEARS AGO! Rita u are strong & loved. God hears u. i am HERE FOR YOU!!!” saad ni Claudine.

Sa comment section ay marami ang pumuri kay Claudine pero meron ding nagdududa at kumukuwestiyon sa kanyang intensyon.

Saad ng isang netizen, “We know that you have a very good and genuine heart, Ms. Claudine pero sana naman po di nyo na pinopost mga gantong bagay lalo na yung pic ni ms rita dyan, since sensitive na bagay ang napag-uusapan. Sana alam nyo po ang salitang privacy, PUBLIC FIGURE pa naman po kayo.”

Hindi naman ito pinalampas ni Claudine at sinagot niya ang netizen.

“Thanks for you’re concern. nasa social media na lahat. Yes we are public figures. kaya ang daming Rape at molestation sa mundo dahil sa mga tao who turns a blind eye,” sey ng aktres.

Aniya pa, “WE SHOULD SPREAD AWARENESS ABOUT SENSITIVE TOPICS IF NOT ANO SILBI NATIN SA BUHAY? SORRY PERO SI @missritadaniela LANG ANG MAY POWER TO TELL ME TO STOP.

“Pls don’t condone these wrong doings kaya sila dumadami dahil sa mga tao baluktot mag isip. KUNG KAYA GAWIN SA MGA ARTISTA ANO PA KAYA KARANIWANG TAO?”

May nagtanong din kay Claudine kung sino ang nang-abuso sa kanya noon at ayon sa aktres ay saka na niya ito ire-reveal.

“Someday soon sweetheart i’ll will tell my truth. can we all just luv & protect & be compassionate towards each other? thank you,” pahayag ni Claudine.

AUTHOR PROFILE