Claudia

Claudia, game sumabak sa Tagalog songs

February 8, 2022 Ian F. Fariñas 153 views

WALANG duda na si Claudia na nga ang isa sa gorgeous faces ng high-end Pinoy pop. Sa edad na 20, tinuturing siya bilang isa sa magagaling na bagong songwriter at nakasama pa sa digital concert na Arrival ng Viva Live kamakailan.

Sa nasabing event nakilala ng nakababatang kapatid ni Julia Barretto ang isa pang upcoming singer-songwriter na si Because na napili niyang makasama sa isang collab na pinamagatang Everything.

Sa virtual interview nina Claudia at Because, sinabi ng dalawa na ang Everything ay isang vibe-y modern pop track na may R&B at rap.

“When the Arrival was pitched to me, they had introduced me to a number of other talented artists. Because was one of the artists I felt I could easily collaborate with,” ani Claudia.

Puring-puri nga ng dalaga si Because dahil aniya, “He is one of the most talented people I’ve met so far and he writes and raps with such ease, it’s so inspiring!”

Madali raw nilang nagawa ang Everything.

“It happened during our first in-person meeting and within one studio session. We wrote and recorded everything during that day,” kwento ni Claudia.

Parehong Ingles ang debut (Nothing to Do) at follow-up (Be It) singles niya sa Viva Records, kaya naman hirit ng fans, sana ay makagawa rin si Claudia ng isang Tagalog song.

“It will definitely happen in the near future. It’s in the works and I’m looking forward to doing Tagalog songs.

“Definitely. We have some things in the works as we speak, (among those are) an Electronic EP, (more) singles (and) collaborations,” ani Claudia.

AUTHOR PROFILE