Class suit vs oil spillers sa Bataan, Manila Bay pinag-aaralan ng gov’t
PINAG-IISIPAN ng tatlong ahensiya ng pamahalaan kung magsasampa ng class suit laban sa mga may ari ng tatlong lumubog na barko at nagtapon ng toxic na langis sa Manila Bay at sa Limay, Bataan.
Sinabi ni Bataan Gov. Joet Garcia na pinag-aaralan ng ng kanilang legal counsels kung anong legal action ang gagawin laban sa tatlong vessels.
Unang lumubog ang MT Terra Nova nongg Hulyo 25 sa Limay, Bataan. Isang crew ang namatay sa paglubog ng barko na nagtapon ng 1.4 million liters ng industrial fuel oil.
Pangalawa ang MKTR Jason Bradley na lumubog noong Hulyo 27 sa layong 600 yards mula sa Mariveles, Bataan. May kargang 5,500 liters ng diesel ang barko.
Ang pangatlong tanker, ang MV Mirola 1, sumadsad sa Mariveles at nag resulta sa oil leak.
Sinabi rin ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Remulla na: “We’re not talking about an accident; we’re talking about a crime, a crime has been committed against our people and the environment.”
Ganun din si Cavite Gov. Jonvic Remulla na gustong humingi ng compensation para sa mga Caviteños.
Si Interior Secretary Benhur Abalos nagpahayag din ng posibleng pag file ng class suit laban sa mga may-ari ng tatlong vessels.
Samantala, sinabi ni Department of Health (Philippines) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may mga hakbang silang ginagawa para sa mga apektado ng oil spill.
Ayon kay Vergeire, mayroong toxicology center sa Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC) na handang magsuri sa mga individuals na naapektuhan ng oil spill.