Clarita Calos, Rep. Estrella kinuha ni PBBM

June 9, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 111 views

KINUHA ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sina retired UP Professor Clarita Carlos at Abono party-list Rep. Conrado Estrella III na maging bahagi ng kanyang administrasyon.

Ayon sa kampo ni Marcos si Carlos ang itatalagang National Security Adviser (NSA) samantalang si Estrella ang magiging kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Tinanggap na umano ng dalawa ang alok sa kanilang posisyon sa pagpupulong na ginawa sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City.

Si Carlos ay isang political science professor at mayroong alam sa foreign policy at international politics.

Si Estrella ay Deputy Speaker ng18th Congress.

AUTHOR PROFILE