Bagatsing

Clamor ng mga mahinirap nag-udyok kay Bagatsing na tumakbong mayor ng Maynila

November 18, 2021 Francis Naguit 237 views

KUMPIYANSA si dating 5th District Rep.Amado Bagatsing na maipapanalo niya ang mayoralty race sa lungsod ng Maynila kung titignan lamang ang kanyang track record bilang public servant at founder ng KABAKA Foundation o Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran na isang non government organization.

Sa ginanap na media forum ng Manila Police District- Press Corps,sinabi ng dating mambabatas na ang “clamor” ng karamihang mahihirap ang nag-udyok sa kanya na tumakbo bilang aklade ng lungsod kung saan nagfile ito ng kanyang certificate of candidacy noong Nov.15 ng hapon bilang substitute ni dating 5th District Eric Valbuena.

Binigyang diin ni Bagatsing na kailangang mabigyan ng laya ang mga taga Maynila na pumili ng magiging lider nang may higit na karanasan kung paano patatakbuhin ang isang lungsod.

Nabanggit ng mambabatas na magiging prayoridad nito kung sakaling palarin na manalo bilang alkalde ay ang gagawing adjustment para sa centenarian benefits o reward ng mga senior citizen.

Katwiran ni Bagatsing, dapat aniya sa edad pa lamang na 80 pataas ay dapat nang maibigay ang kalahati ng P100 libong reward ng mga senior citizens at ang natitira ay maari itong ibigay hanggat maabot ang isang daang sentenaryo.

Nais din aniyang rebyuhin ang ordinasa ng Maynila na non-contact apprehension policy kung saan marami na aniya ang umiiyak at dumudulog sa kanya dahil sa laki ng binabayaran na aniya ay pinagsisimulan pa ng korupsyon.

Dagdag pa ni Bagatsing na bukas ito sa pagiging “transparency” upang malaman ng publiko kung saan nanggagaling ang pondo na ginagastos sa mga proyekto,programa ng lungsod.

Aniya, maganda ang mga nagawa ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa Maynila ngunit kulang aniya ito sa “transparency” upang malaman kung inutang, donasyon o kaban ng bayan ang ginagasta sa mga proyekto lalo sa panahon ng pandemya.

Si Bagatsing ay 20 taong nagsderbisyo bilang Kongresista at ang kanyang KABAKA foundation ay 36 taon na ring naglilingkod at tumutulong sa mahihirap nitong Kapatiran na taga District 5 ngunit kapag may nangangailangan ng tulong na taga ibang distrito ay kanila na ring tinatanggap.

Dahil sa pagnanais na mayakap ang lahat ng mahihirap na nangangailangan ng atensyon medical sa pamamagitan ng KABAKA, sinabi ni Bagatsing na naghain na rin ang kanilang kapatiran ng certifdicate of nomination and acceptance , ang KABAKA Partylist upang sa gayun ay mas malawak pa ang kanilang matutulongang mahihirap sa tulong na rin ng mga pribadong sector na nagbibigay donasyon sa nasabing non-government organization. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE