Reroute

Cindy sa pakikipagtrabaho kina John at Sid: Para akong tumama sa lotto

January 27, 2022 Vinia Vivar 295 views

Ayon kay Cindy Miranda, para siyang nanalo sa lotto nang i-offer sa kanya ang Reroute ng Viva Films.

Sey ng beauty queen-actress, hindi rin siya makapaniwalang makakatrabaho niya ang magagaling na aktor na sina John Arcilla at Sid Lucero.

Ang Reroute ang bagong pelikula ni Cindy sa Viva Films na napapanood na sa kasalukuyan sa Vivamax at idinirehe ni Lawrence Fajardo.

“This is my best movie yet,” sambit ni Cindy. “Hindi pa ako nananalo sa lotto, but I felt that way,” nangingiting sabi niya.

Kaya nga umoo raw siya agad-agad na gawin ito.

“Walang second thoughts. Excited ako agad to be part of this movie,” sambit niya.

Sinabi pa ni Cindy na kakaiba ang Reroute sa lahat ng mga pelikulang nagawa niya.

“Iba ‘yung intensity nitong Reroute sa drama. Sobrang gagaling ng mga kasama ko.”

Isang suspense-thriller ang Reroute, kung saan ginagampanan n Cindy ang papel na asawa ni Sid.

Kasama rin sa pelikula si Nathalie Hart.

AUTHOR PROFILE