Cindy

Cindy, inamin ang pagiging weird

January 7, 2022 Vinia Vivar 244 views

Masayang tinapos ni Cindy Miranda ang taong 2021 dahil sa sunud-sunod na projects niya sa Viva Films at ngayon naman ay sisimulan din niya ang taong 2022 with a bang dahil may ipalalabas na naman siyang bagong pelikula sa Vivamax, ang Reroute.

“Sobra, sobra po ‘yung happiness ko,” sabi ni Cindy sa digital mediacon ng Reroute, “minsan nga, hindi ko na alam kung paano ko ie-express, I’m very mahiyain po.

“Pero you know, iba, iba po ‘yung happiness. ‘Yung 2021 ko po, you know, was really a big year for me.”

Kahit daw napagod siya sa buong 2021 doing one movie after another, iba raw ang fulfillment na naibigay sa kanya.

“Iba ‘yung fulfilment na ginagawa ko na ‘yung dati, dream ko lang. Na nandito na ako, nagsisimula na ako.

“Hino-hope ko lang talaga, sana magtuluy-tuloy. Sana hindi ako mawalan ng, you know, ‘eto, ‘yung pagmamahal ko sa trabaho,” she said.

Sa Reroute ay ginagampanan ni Cindy ang papel na Trina na nagbakasyon kasama ang asawa (Sid Lucero) at nakakilala ng misteryosong lalaki.

Nagtiwala sila sa bagong kakilala at dito nagsimula ang kanilang kalbaryo.

In real life, ayon kay Cindy ay mahirap siyang magtiwala sa isang tao. Pero natutunan din niya na hindi dapat husgahan agad ang isang tao sa unang pagkikita.

“May iba po kasing tao na they’re just weird. Ibig kong sabihin ng weird, hindi sila normal,” aniya.

Aminado si Cindy na siya may ay weird din.

“Kasi ako, feeling ko, I’m weird, eh. Hindi ako normal na, you know, parang ‘yung ibang mga kaibigan ko how they communicate with other people. Kina-categorize ko po ‘yung sarili ko as weird and I feel na I’m not a bad person naman po.

“So, to me po, bigyan sana ng chance lahat. Hangga’t wala namang ginagawang masama sa ‘yo ‘yung tao,” she said.

Kasama rin sa Reroute sina John Arcilla and Natalie Hart mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo. Mapapanood na ito sa Vivamax sa January 21.

AUTHOR PROFILE