Cindy

Cindy, clueless sa ligawang Aljur-AJ

October 25, 2021 Ian F. Fariñas 80 views

PARA sa isang taong unang napagbintangan na siyang third party sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla, wish ni Cindy Miranda na magkaayos na ang lahat ng taong involved sa kontrobersiya.

Matatandaan na ang beauty queen-turned-actress ang unang napaghinalaang third party sa Aljur-Kylie breakup nang gawin nila ng aktor ang Vivamax original movie na Nerisa.

Ang hindi alam ng lahat, ang co-star pala ng dalawa na si AJ Raval ang totoong nililigawan ni Aljur.

Kaya sa online mediacon kahapon ng latest movie niyang My Husband, My Lover, muling natanong si Cindy tungkol sa isyu.

Aniya, clueless talaga siya sa naganap kina Aljur at AJ nu’ng nagsu-shooting sila dahil nga sa bigat ng karakter ni Nerisa, wala talaga siyang naging bonding moments sa co-stars niya.

“In-isolate ko po talaga ang sarili ko,” depensa ni Cindy. “Wala akong narinig na ganyan.”

Pero wish daw niya na maayos ang kung anumang gulo kina Aljur, AJ at Kylie sa ngayon, lalo na kina Aljur at AJ na naging kaibigan na rin niya dahil sa Nerisa.

Aware raw si Cindy na maraming namba-bash sa dalawa sa social media kaya sana ay maging okay na ang sitwasyon ng mga ito sa lalong madaling panahon.

Anyway, sobrang palaban ang mga karakter nina Cindy at Kylie Versoza sa My Husband, My Lover na dinirek ni Mac Alejandre para sa Vivamax.

Marami silang sizzling scenes sa pelikula kasama ang male leads na sina Marco Gumabao at Adrian Alandy.

Katunayan, hindi lamang maiinit na lampungan ang mapapanood sa movie kundi mapangahas ding dialogue na talagang ikawiwindang ng mga manonood.

Dahil sa maseselang eksena sa pagitan ng mga karakter nila bilang mag-asawa na sina Alice (Kylie) at Noel (Marco), kinailangan ng aktor na hingin ang basbas ng real-life BF ng aktres bago ang lock-in shoot.

“I needed that go signal from Jake para matodo namin ang mga eksena,” pahayag ni Marco.

Nagkasama nga naman sila ni Jake sa seryeng Los Bastardos ng ABS-CBN at naging magkaibigan on and off cam.

Na-appreciate naman daw ni Kylie ang pagiging supportive BF ni Jake na ang tanging reaksyon sa pagpapaalam ni Marco ay, “Sige, galingan niyo.”

Sa bilang ni Direk Mac, isang dosena ang lampungan scenes sa My Husband, My Lover, na aniya pa, ay hindi basta “kabit” movie mula sa panulat ng award-winning na si Ricky Lee.

Marami raw katanungang iiwan ang pelikula sa mga manonood, lalo na kung posible nga bang magmahal ng dalawa ang iisang tao, dapat nga bang sinusunod ang dikta ng lipunan at sundin ang nakagawian nang norms tungkol sa pakikipagrelasyon.

Ang My Husband, My Lover ay mapapanood sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Middle East at Europe simula November 26.

AUTHOR PROFILE