Cindy ayaw nang maghubad sa pelikula

June 20, 2024 Aster Amoyo 276 views

NAGPAPASALAMAT si Cindy Miranda sa kanyang home studio, ang Viva dahil patuloy siyang pinagkakatiwalaan ng maraming proyekto which do not require her na magpa-sexy.

Si Cindy ay sabay na ni-launch ng Viva sa sexy, suspense-drama movie na “Adan” along with Rhen Escano na nagso-solo na rin sa kanyang mga proyekto tulad ng kanyang pinakabagong action-drama movie na “Karma” na palabas ngayon sa mga sinehan.

Inamin ni Cindy na naging stepping stone umano niya ang paggawa ng sexy movie para makilala siya pero aminado siya na hindi umano siya kumportable sa ganitong genre at hindi umano siya kasing sexy ng iba pang sexy stars ng Vivamax.

Cindy plays a mother of two sa “Kuman Thong: Black Magic Baby” played by Althea Ruedas and Emmanuel Esquivel, ang bunso na namatay at ayaw niyang (Cindy) mawala sa kanila at dito niya ginawa ang Kuman Thong na parang ritual or black magic in Thailand.

Ang “Kuman Thong” ay Thai words na ang ibig sabihin ay `golden young boy’. Kasama rin dito angThai actor na si Max Nattapol, at Thai actress na si Jariya Therakaosal among others at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide on July 3, 2024.

Hindi man dumating ang director ng pelikula na si Xian Lim sa mediacon, all praises sa kanya ang dalawa sa lead stars ng movie na sina Cindy at Althea dahil napaka-cool umano nito sa set at madali nilang natapos ang pelikula (shot in Thailand) nang walang problema.

Prior to her joining showbiz, Cindy was crowned Bb. Pilipinas-Tourism nung2013 and represented the Philippines for Miss Tourism Queen International na ginanap sa Xianning, China nung October 13, 2013 where she placed #10 among the candidates from all over the world.

Bago sumali sa beauty competition si Cindy ay nagtapos siyang cum laude ng Tourism course sa University of Santo Tomas in 2011.

Marami-rami na ring pelikula ang ginawa ni Cindy at kasama na rito ang “Luv U,” “Maria,” “No Boyfriend Since Birth,” “Sanggano, Sanggago’t Sangguwapo,” “Martyr or Murderer” at iba pa.

Meron din siyang tinapos na isang comedy movie na hindi pa naipapalabas.

Sakripisyo ni Althea nagbunga na

AltheaTHERE’S no stopping child star Althea Ruedas sa pagiging in-demand sa paggawa ng sunud-sunod na proyekto hindi lamang sa pelikula kundi maging sa telebisyon.

Since she was 3 years old ay kinukulit na ni Althea ang kanyang inang si Beth para sa iba’t ibang auditions both for TV commercials and TV shows and there were even times na dini-discourage na siya ng kanyang mommy dahil walang nangyayari sa pagpapagod nilang mag-ina sa mga audition. Pero hindi nawalan ng pag-asa si Althea at nagpatuloy sa paga-audition including “Little Miss Philippines” ng old “Eat Bulaga” kung saan niya ipinakita ang kanyang husay sa pagkanta which she started to develop when she was three sa tulong ng kanyang Daddy Jeff.

Tatlong taong gulang pa lamang noon si Althea ay kaya na niyang awitin ang kantang “Isang Mundo, Isang Awit” ni Leah Navarro na siya niya ring kinanta sa pre-judging ng “Little Miss Philippines.” Sumali rin siya sa “Mini-Me3” segment ng “It’s Showtime” maging ang “Little Miss Diva” kung saan siya ang tinanghal na grand winner.

Ang tagumpay ni Althea bilang child star started when she co-starred with Baron Geisler in the hit Netflix drama movie na “Doll House” na siyang nagpanalo sa kanya sa 6th Asia-Pacific Luminaire Awards bilang Best Child Actress in a Lead Role. She also landed in various roles sa pelikula maging sa telebisyon.

Bago ang “Doll House” ay nakasama siya sa pelikulang “Bakit Hindi Mo Sabihin” nina JC de Vera at Janine Gutierrez. She was also in the movie “A Very Good Girl” where she played the role of young Kathryn Bernardo. Kasama rin siya sa hit primetime TV series na “Iron Heart”.

Sa kabila ng pagiging busy ni Althea sa kanyang showbiz career, hindi niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral.

Dahil sa kanilang pagsasama ni Cindy Miranda (who plays her monther) sa “Kuman Thong: Black Magic Baby” ay pangarap din umano niyang sumali sa isang beauty pageant balang araw with her Tita Cindy as her coach.

Tulad ni Cindy at iba pang bumubuo ng “Kuman Thong: Black Magic Baby” ay sobrang in-enjoy ni Althea ang Thailand dahil sa masasarap na pagkain at murang bilihin.

Ang pelikulang “Kuman Thong: Black Magic Baby” ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ngayong July 3.

Randy tinanggihan ang bagong show ni Willie

RandyRandy1Randy2HINDI ikinakaila ng singer-songwriter, actor, host, director at entrepreneur na si Randy Santiago na napakasakit sa isang amang katulad niya ang mawalan ng isang anak at a young age.

His second son, Ryan was only 24 years old and about to graduate from college nang ito’y sumakabilang-buhay dahil sa sakit na multiple sclerosis in 2017.

Sina Randy and wife Marilou Coronel-Santiago ay nabiyayaan ng tatlong anak na sina Raphael, Ryan at Raiko pero dalawa na lang ngayon dahil sa maagang pagpanaw ni Ryan.

Ang bunsong si Raiko who’s graduating from college this July ay siyang madalas kasa-kasama ni Randy dahil naka-bukod na sa kanila ang panganay na si Raphael.

Since ulila nang lubos si Randy at ang kanyang limang kapatid, siya ang tumatayong gabay sa kanyang mga nakababatang kapatid na may kani-kanya na ring buhay.

Inalok kay Randy ang pagdidirek ng bagong sisimulang game show ni Willie Revillame on TV5 next month pero ito’y kanyang tinanggihan dahil mapapabayaan umano niya ang kanyang ibang trabaho laluna ang kanyang pagiging singer-performer which brings him to other parts of the globe.

Si Willie ay isa sa mga close friends ni Randy in the industry. Instrumento siya sa pagsisimula ng actor, host-producer and businessman na si Willie sa kanyang career bilang isang matagumpay na host at producer.

Although kumakanta rin ang younger brother niyang si Rowell Santiago, mas nag-focus ito sa kanyang pagiging actor at director.

“Lahat kami sa pamilya ay kumakanta pero ako lang ang nag-concentrate sa singing,” paglalahad pa ni Randy, dating miyembro ng Kundirana ng La Salle – Greenhills at Cicada Band.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE