Christmas party ng SPEEd star-studded

December 3, 2024 Aster Amoyo 261 views

IceIce1PicPic1Pic2Pic2Rampa1ANG Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang kauna-unahang entertainment organization na nag-host ng Christmas party sa taong ito. Ito’y ginanap last Monday, December 2 na ginanap sa RAMPA in Quezon. Ito’y dinaluhan hindi lamang ng mga officers and members ng organisasyon na pinamumunuan ng PSN and PM entertainment editor na si Salve Asis.

Ang aming People’s Journal entertainment editor na si Eugene Asis na past president ng SPEEd ay humabol direct from the NAIA from his two-week trip to the U.S. kung saan siya tumanggap ng award as an outstanding entertainment journalist mula sa AmerAsia International sa Hollywood. Maraming ring personalidad at celebrities and dumalo sa nasabing okasyon na pinangunahan ng MOWELFUND chairperson, MMFF executive committee member at veteran actress na si Boots Anson Roa-Rodrigo. Dumalo rin ang couple na sina Ice Seguerra at Liza Dino, ang mag-inang Roselle Monteverde at Keith Monteverde Teo ng Regal Entertainment, Jake Cuenca, ang mag-business partners na sina Sam Verzosa at RS Francisco, Ara Mina, mga VMX talents tulad ng magkapatid na Stephanie Raz at Micaela Raz, Gold Aceron, Direk Bobby Bonifacio at iba pa.

Humabol din sa kasayahan ang mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde, gayundin sina Alex Gonzaga at mister na si Mikee Morada (na kandidatong vice mayor sa Lipa City).

Buo rin ang pwersa ng Unilab PR group na pinamumunuan ni Claire de Leon Papa, gayundin ang ABS-CBN PR executives na sina Kane Choa, Aaron Domingo at Justin Irons at GMA7 PR executive Jojo Aquio at kasamang si Irene Fernando.

Pagpapaseksi hindi na bago kay Emil

DEKADA otsenta nang magsimula sa pelikula ang veteran actor na si Emil Sandoval na nagmula sa clan ng mga kilalang Salvador sa showbiz. Although may ilang taon din siyang nawala nang siya’y magtungo ng Amerika, balik-Pilipinas ang actor at aktibong muli sa kanyang showbiz career.

Isa si Emil sa in-demand sexy actor ng VMX ngayon kung saan niya natagpuan ang kanyang bagong lady-love, ang adult content creator at sexy actress na si Salome Salvi na nakatrabaho niya sa pelikuang “Tahong” nung nakaraang October. Dumalo ang dalawa sa masayang Christmas party ng samahan ng mga entertainment editors ng Pilipinas, ang SPEEd na ginanap sa Rampa in Quezon City na pag-aari ng actor and successful businessman na si RS Francisco.

Although noon pa man ay nagpapa-sexy na si Emil, napapanood din siya sa mga wholesome movies at TV series. Katunayan, naging bahagi siya ng recently concluded hit afternoon TV series ng GMA, ang “Abot-Kamay na Pangarap” at kasalukuyang napapanood sa isa pang hit series na “Lilet: Attorney-at-law” also on GMA.

Ang pagiging sexy actor ay sinimulan ni Emil nung dekada otsenta kaya hindi na bago sa kanya ang kanyang muling pagpapa-sexy (despite his age) sa mga pelikula ng VMX (the rebranded name ng Vivamax).

Rhian all-out ang suport kay Sam

BATANG Sampaloc, Manila ang successful businessman, “Tutok to Win” partylist respresentative at philanthropist na si Sam Verzosa kaya hindi kataka-taka kung bakit ito nagnanais na paglingkuran ang mga taga-Maynila sa pagnanais niyang makatulong sa mga Manileno.

Si Rep. Sam Verzosa ay makakatunggali sa darating na mid-term election on May 2025 ang incumbent mayor ng Maynila na si Mayor Honey Lacuna at ang dating Manila Mayor na si Isko Moreno.

A civil engineering graduate mula sa University of the Philippines, mas nag-focus si Sam sa negosyo at pagtulong sa kapwa kaya pinasok nito ang public service dahil naniniwala siya na mas marami siyang matutulungan kapag isa siyang public servant.

It was in 2022 nang maging open si Sam sa kanyang relasyon sa Kapuso actress na si Rhian Ramos na all-out ang suporta sa kanyang political career.

Rufa Mae nahaharap din sa problema kasama ni Neri

TULAD ng actress-turned successful businesswoman na si Neri Naig, nahaharap din sa kaparehong kaso ang singer-actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto na sinumpahan umano ng 39 counts syndicated estafa ng mga naging biktima sa investment scam ng isang nagngangalang Chanda Atienza na siyang may-ari ng Dermacare kung saan parehong celebrity endorsers sina Neri at Rufa Mae ng derma clinic.

Kasalukuyang nasa Amerika si Rufa Mae (kung saan ito naka-base with her family) nang ipalabas ang warrant of arrest sa singer, actress-comedienne.

Ang naging participation lamang nina Neri at Rufa Mae ay ang pagiging celebrity endorsers ng Dermacare pero hindi sila involved sa operation ng kumpanya. They were only contracted na maging celebrity endorsers ng beauty clinic. Wala rin silang kinalaman sa pagpasok ng may-ari ng clinic sa investment scam.

Both Neri and Rufa Mae were in good faith nang sila’y lumagda ng kontrata as celebrity endorsers. Bakit nga naman sila ang kakasuhan samantalang wala silang kinalaman sa ginawalang panloloko ng may-ari ng clinic.

Talagang kumplikado ang batas dahil maraming inosente ang nakukulong at napaparusahan dahil lamang sa kagagawan ng ibang tao.

One million and seven hundred thousand pesos ang recommended bail pero dahil ito’y syndicated estafa, wala umano itong bail.

Nakakalungkot lamang dahil kung kelan magpa-Pasko ay saka naman dumating ang ganitong katinding problema kina Neri at Rufa Mae na wala namang nilokong tao.

Magsilbi rin sana itong lesson sa mga talent managers and celebrities na maging maingat sa mga paglagda ng kontrata for product and business endorsements dahil baka ito pa ang kanilang ikapahamak.

VMX movies na magpapainit sa Disyembre

TIYAK na paiinitin ng VMX stars ngayong Disyembre sa pamamagitan ng kanilang hot movies tulad ng “Silip” at “My Boyfriend is A Sex Worker” which will be streaming on VMX na meron nang mahilit 12 milion subscribers.

Simula sa araw na ito ng December 3 ay matutunghayan ang “Silip” na tinatampukan nina Rica Gonzales at Karl Aquino na pinamahalaan ni Direk Bobby Bonifacio, Jr. Kasunod naman dito ang “My Boyfriend is A Sex Worker” on December 6 na pinamahalaan naman ni Direk Ivan Andrew Payawal at kung saan naman tampok sina Topper Fabregas at si Kurt Kendrick.

Sa pelikulang “Silip,” ito’y kwento ni Joel (Karl Aquino) na may-ari ng isang pares restaurant na nasa ibaba lamang ng apartment kung saan nakatira si Rose (Rica Gonzales) na isang prostitute who services her clients sa nasabing lugar. Ang mga kliyente ni Rose ay kumakain sa restaurant ni Joel at nadidinig niya ang usapan ng mga ito tungkol kay Rose at kung gaano ito umano ito kagaling sa kama. At dito nagsimula ang pagpapatasya niya kay Rose na personal niyang nakilala nang kumain ito sa kanyang restaurant.

Sa pagpapatansya lang kaya mauuwi ang lahat para kay Joel o mauuwi ito sa totohanan?

Samantala, ang “My Boyfriend Is A Sex Worker,” is a romantic dramedy BL movie kung saan gaganap sa papel na Ace si Topper Fabregas habang si Gio naman ay ginampanan ni Kurt Kendrick, isang adult content creator and sex worker. Sa nasabing pelikula ay makikita ang conflict ng pagmamahal ni Ace sa kanyang pamilya at sa kanyang boyfriend na gusto silang paghiwalayan dahil sa natuklasan nilang trabaho ni Gio.

Alamin kung saan dadalhin ang kuwento nina Ace at Gio in “My Boyfriend is A Sex Worker” ngayong December 6 on VMX.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE