Dizon Si MPD Chief Andre P. Dizon (ikatlo mula kaliwa) kasama ang kanyang mga staff at command groups na sina P/Col. Raul Tacaca, DDA; P/Col. Dario Menor, DDO; at P/Col. Julius Cecil Ordoño sa paglulunsad ng Christmas lighting sa MPD Headquarters, Disyembre 1, 2022. Kuha ni Jon-jon Reyes

Christmas lanterns, lights ng MPD pinailawan na

December 2, 2022 Jonjon Reyes 123 views

PINANGUNAHAN ni Manila Police District (MPD) Director P/Brigadier General Andre P. Dizon ang pagbubukas ng mga Christmas lights sa MPD Headquarters sa pagpasok ng buwan ng Disyembre nitong Huwebes ng gabi.

Naging masigla at maaliwalas ang headquarters ng MPD at nang idaos ang ceremonial lighting ng Christmas tree at lanterns sa MPD compound quadrangle maging sa loob ng opisina, bawat departamento, at seksyon.

Kabilang sa mga dumalo sa seremonya ay ang staff at command group ng MPD nagsagawa muna ng “countdown” bago pindutin ang buzzer nito sa lobby ng nasabing punong himpilan.

Kabilang sa mga dumalo ay sina P/Col. Raul Tacaca, DDA; P/Col. Dario Menor DDO; P/Col. Julius Cecil Ordoño, CDDS; P/Lt. Col. Paul Jay Doles, DPRM; P/Col. Samuel Pabonita, DID; P/Col. Edward Quijano, CDOPD; P/Col. Igmedio Bernaldez, DLD; P/Col. Alex Dañiel, DCD-MPD; at 14 station commanders at mga PCP (police community precinct) ng bawat presinto.

Nagkaroon din ng maikling programa at pagtatanghal ang mga kapulisan tulad ng pagtugtog ng MPD Band, pagsasayaw, at handog na mga kakanin tulad ng bibingka at puto bumbong.

Bago pa man natapos ang programa ay nagbigay naman ng mensahe si Dizon hinggil sa walang sawang pagpapanatili ng seguridad sa buong Maynila lalo na at nalalapit na ang araw ng Pasko at holiday season.

Pinayuhan din nito ang 14 na station commanders sa pagmamatyag sa mga masasamang elemento na nagnanais gumawa ng krimen at kaguluhan dahil aniya, “Ang Pasko ay sagisag ng pagmamahalan at pagbibigayan o pakikipagtulungan sa bawat isa.”

AUTHOR PROFILE