Sarah

Christmas ID ng ABS-CBN, bumenta sa netizens

November 28, 2022 Ian F. Fariñas 284 views

Umapaw ang ligaya at paghanga sa social media matapos ipalabas ng ABS-CBN ang official music video ng Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa Christmas ID na nakakuha na ng mahigit isang milyong views sa YouTube at Facebook.

Nag-trending agad ang star-studded music video sa Twitter na hinangaan ng maraming netizens dahil sa makabuluhan nitong mensahe tungkol sa pagkapit sa Diyos, pamilya at kaibigan para makahanap ng ligaya sa gitna ng pagsubok at pagtampok sa mga taong nagpakita ng kabayanihan at malasakit sa kapwa.

Isinulat ang Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa ni ABS-CBN Creative Communication Management head Robert Labayen, habang si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo naman ang naglapat ng musika at nanguna sa overall vocal arrangement at music production.

Si Tommy Katigbak ang gumawa ng musical arrangement at si Tim Recla ang nag-render ng final mixed at mastered song.

Inaanyayahan ang lahat na sumali sa #TayoAngLigayaDuets.

Pumunta sa official ABS-CBN vertical accounts (TikTok, YouTube Shorts, Facebook/Instagram Reels) at piliin ang artist na gustong maka-duet.

Pwedeng sumayaw o kumanta kasama ang napiling Kapamilya star at pagkatapos ay i-upload ang video gamit ang official hashtag na #TayoAngLigayaDuets.

Samantala, maaari nang mag-pre-order ng official licensed Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa T-shirts sa authorized partner ng ABS-CBN na shirtsandprintsph (Facebook, TikTok, Lazada) at shirtsandprintsph1207 (Shopee).

Panoorin ang Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa music video sa ABS-CBN Entertainment Facebook page, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel at iba pang digital platforms ng ABS-CBN.

AUTHOR PROFILE