Julia

Christmas gift ni Gerald, first Rolex ni Julia

January 11, 2022 Vinia Vivar 619 views

Ipinakita ni Gerald Anderson ang pagka-galante sa girlfriend nang regaluhan niya ng Rolex watch si Julia Barretto nu’ng Pasko.

Mapapanood sa YouTube vlog ni Marjorie Barretto titled Christmas Eve with my Children ang Christmas Eve celebration ng kanilang pamilya sa bahay nila kasama si Gerald.

Highlight ng video ang exchange of Christmas gifts nila kung saan ay makikitang parang kasama na talaga sa pamilya si Gerald dahil may gift ang aktor sa bawat isa sa kanila and vice-versa.

At nang ibigay na ni Gerald ang gift niya for Julia na isang box, kinantiyawan na ang aktres ng kanyang pamilya.

Makikita sa video na nang buksan ni Julia ang box ay napasigaw siya sa tuwa nang makita ang Rolex watch.

“This is my first Rolex,” sabi ni Julia.

Sinuot na niya agad ang mamahaling watch at niyakap si Gerald.

Bongga rin ang gift ng aktor sa bunsong kapatid ni Julia na si Erich na isang malaking Hello Kitty stuffed toy na matagal na raw gusto ng bagets.

Pinuri-puri ng netizens ang sweetness and thougtfulness ni Gerald.

“Gerald is a listener. Alam niya kung ano right gift for Julia and the family! So happy to see him happy with the Barrettos! Merry Christmas Guys! Stay safe and happy everyone!!” komento ng isang netizen.

“Gerald really belongs to this kind of family.. beautiful people in one room… as in literally beautiful people.. ang aliwalas ng aura nila… and gerald too, he looks soo happy and contented.. i really admire Marjorie for being a very hands on mommy.. look at all her kids.. happy new uear to all of you..,” sey naman ng isa pa.

PauloPAULO, CRUSH SI MOMO NG TWICE

Mukhang may crush si Paulo Avelino sa Japanese member ng South Korean girl group na Twice na si Momo Hirai.

Nag-tweet si Paulo ng larawan ng billboard nila ni Momo sa EDSA na magkatabi.

Caption ni Paulo, “Buti pa sa billboard walang pila.”

Naaliw ang mga netizens at kinantyawan nila ng katakut-takot ang aktor.

“Nako po si goyo nainlove sa hapon,” komento ng isang netizen.

Ang iba naman ay tinatanong kung paano na raw si Janine Gutierrez na, as we all know, ay nali-link ngayon kay Paulo.

“Pinanghahawakan ko pa rin ang sabi mong pinay ang gusto mo. kaya tuloy ang PauNine endgame,” saad ng isang netizen.

May nagkomento rin na walang arti-artista at kailangan daw pumila si Paulo na sinagot ng aktor ng “katabi ko na nga eh” na ikinaaliw ng netizens.

Sa mga komentong nabasa namin, si Janine pa rin ang gusto ng fans para kay Paulo kaya for sure ay maraming magagalit kung totoo ngang crush ng aktor si Momo.

AUTHOR PROFILE