Bermas

Christine, ipinakilala ni Nico sa pamilya sa Canada

July 26, 2023 Jun Nardo 439 views

KINILIG AT feeling-espesyal ang nadama ng sexy star na si Christine Bernas nang isama siya ng Viva star na si Nico Locco sa Canada at ipinakilala sa parents niya at iba pang family members.

“Siyempre, na-proud po ako sa ginawa ni Nico. First time nangyari sa akin ang ipakilala ng isang lalaki sa parents niya. Sobrang sarap ng feeling ko!” sambit ni Christine sa Zoomcon ng Vivamax movie na Manyak.

Si Nico naman, nasubaybayan na ang career ni Christine kaya may pagka-fan boy siya.

“She’s a good actress,” saad ni niya.

Inamin nina Nico at Christine na mahigit isang taon na ang relasyon nila. Sa Manyak, asahan ang maiinit na romansahan ng dalawa lalo pa nga’t may relasyon na sila kaya wala nang ilangan pa.

Isang erotic-thriller ang Manyak na streaming sa Vivamax sa August 4 mula sa direksyon ni Carlo Alvarez.

RISING STAR

ISA sa rising stars sa business world si Vincent del Rosario, ayon sa The Business Manual during the Growth Con PH growth summit last July 6 sa Ascott Bonifacio Global City sa Taguig City.

Si Vincent ang chief operating officer ng Viva Communications, Inc.

Hinangaan si Vincent dahil sa tagumpay ng Vivamax, ang video streaming na mahigit 7M ang subscribers.

Of course, bukod sa Vivamax, inilunsad din ng Viva ang Viva One streaming app for general audience.

Involved din si Del Rosario sa day-to-day operation ng Viva Communications gaya ng production for content sa TV, film at online media, music production and publishing.

AUTHOR PROFILE