Beki

Christian, ’di natanggihan si Direk Joel

August 26, 2021 Vinia Vivar 380 views

Aminado si Christian Bables na gusto niya muna sanang magpaghinga sa paggawa ng gay roles dahil nga ilang magkakasunod na gay films ang nagawa niya tulad ng Die Beautiful at The Panti Sisters.

“Napag-usapan po namin before ng manager ko, si Boy Abunda, na pahinga muna ‘ko sa gay roles, pero ‘yung gay roles po ang ayaw magpahinga sa akin,” sey ni Christian sa virtual mediacon ng pelikulang Bekis on the Run Go Lang Nang Go! ng Vivamax.

Tulad na nga lang nitong latest film niya, isa na namang beki ang kanyang role pero hindi niya talaga ito pwedeng palampasin dahil si Joel Lamangan ang direktor.

“Masaya na ma-handpick ng isang Joel Lamangan para sa kanyang pelikula. Sino po ako para tumanggi? That’s Direk Joel Lamangan. Kahit siguro ang role na ibigay niya sa akin ay ipis, gagawin ko po, ma-experience ko lang na makatrabaho si Direk Joel Lamangan,” deklara pa ni Christian.

Dahil nga pandemic, aminado rin ang aktor na natakot siya na gawin ang pelikula dahil first time raw niyang lalabas ulit.

Before the pandemic pa kasi ang huli niyang movie. Plus first time rin niyang pumayag sa man-to-man kissing scene (with Sean de Guzman).

“Pero at the same time, napangibabawan ng excitement ‘yung takot at trust du’n sa production. Na lahat ng pumunta do’n ay safe, lahat ng pumunta do’n ay sumunod sa tamang protocols,” sey ng aktor.

Bukod sa pagiging comedy-drama film, tatalakayin din ng Bekis on the Run ang korapsyon at mga hindi napag-uusapang tema tulad ng gay men sa military.

Bekis on The Run will be streaming exclusively on Vivamax on Sept. 17.

Aside from Sean and Christian, kasama rin sa pelikula sina Diego Loyzaga at Kylie Versoza.

AUTHOR PROFILE