Default Thumbnail

‘Choosy’ si Sir at ‘mag-ring’ na kaya ang telepono?

October 27, 2022 Paul M. Gutierrez 297 views

PaulBAGO ang lahat, binabati natin ang National Press Club of the Philippines (NPC), sa pagdaraos nito ng kanyang ika-70 anibersaryo ngayong araw ng Biyernes.

Bukas talaga kasi, araw ng Sabado, Oktubre 29, ang opisyal na petsa ng pagkarehistro ng NPC sa Securities and Exchange Commission (SEC) subalit dahil walang pasok, nagdesisyon ang liderato ng NPC na idaos ang pagdiriwang ngayong araw.

Mainit na pasasalamat na rin sa mga opisyal ng gobyerno na nagpadala ng kanilang mainit na pagbati at pagkalugod sa nasabing okasyon, kaya. Maraming salamat PBBM at maraming salamat, VP Sara Duterte!

***

Noon pang Setyembre 15 2022, nabigyan na pala ng appointment bilang bagong deputy commissioner sa Bureau of Customs (BOC) si Atty. Porfirio Gabiola, bilang kapalit ni deputy commissioner Allan Geronino sa MISTG (Management Information System Technology Group).

Sa dokumento, ipinadala na rin ng Department of Finance kay Comm. Yogi Filemon Ruiz ang kanyang appointment noon namang Setyembre 22.

‘Yun nga lang, “nagtataka” ang ating mga miron na hanggang sa binabasa ninyo ito, dear readers, aba’y hindi pa pala “nagpapakita” sa bakuran ng BOC at MISTG si Depcomm. Gabiola, kahit wala naman siyang sakit o karamdaman, ganern?

Ayaw naman nating paniwalaan ang pang-uurot ng ilang miron, PBBM at Executive Secretary Lucas Bersamin, na kaya “bantulot” si Gabiola na mag-report sa BOC eh, dahil “ayaw” niya sa MISTG at ang “inaasinta” na puwesto ay ang AOCG (Assessment Operations and Coordinating Group) kahit hindi ito bakante dahil nakapuwesto dito si Deputy Commissioner Edward Dy Buco.

Huh? Ano ba ‘yan, Comm. Yogi, tipong “choosy” pala itong bagong diputado mo, ganun nga kaya, hehehe!

Gusto nating maniwala na “mali” ang ‘info’ ng ilang miron d’yan sa Aduana kaya kung gustong magpaliwanag ni Atty. Gabiola, bukas ang pitak na ito.

Mainam din na linawin niya ang isyu na kaya nag-resign noon bilang deputy commissioner for enforcement (EG) itong ating kaibigan na si Ariel Nepomuceno, eh, dahil nagpa-appoint si Gabiola sa X-Ray Inspection Project ng BOC kay Comm. Bert Lina, nang hindi alam ni Depcomm. ‘Nepo’ na “boss” niya noon, aguy!

Abangan!

***

‘Mag-ring’ na kaya ang telepono para kausapin siya ng kanilang “boss?”

Ito ngayon ang gustong “pagpustahan” ng ilang mga miron sa isang kilalang ahensiya ng gobyerno, dear readers.

Dangan kasi, sapul pala nang palitan ni PBBM ang “bossing” sa nasabing ahensiya noong Hulyo, aba’y kahit minsan, hindi nito tinawagan para konsultahin, kahit man lang sa telepono, itong kanyang “Number 2” official whahhh!

Ito ay sa kabila na ang kanyang posisyon ay isa sa mga ‘most sensitive’ posts sa nasabing ahensiya, kaya nga siya ang “number 2 man on the job!”

Ngayon namang pormal na rin siyang nagretiro matapos maitalaga ni PBBM ang kanyang kapalit kamakailan, nag-aabang ang mga miron kung, ‘this time around’ wika nga, magri-ring na ang telepono sa lamesa, hehehe!

Abangan ulit!

AUTHOR PROFILE