sethandrea

Chocolates, ipinagpalit ni Andrea kay Seth

September 3, 2021 Vinia Vivar 256 views

Ang cute panoorin ng magka-loveteam na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin sa recent vlog nila kung saan ay iniinterbyu ng huli ang una.

Sa video na in-upload ng The Squad Plus sa YouTube titled Squad Chat – Seth Interviews Andrea,” nag-ala-Boy Abunda si Seth sa pagi-interview kay Andrea at talaga namang naaliw kaming panoorin sila.

Tanong ni Seth kay Andrea, “Kamusta kayo ni Seth?”

“Okay naman ho kami,” sagot ni Andrea.

Follow-up question ni Seth, “May nadagdag ba sa samahan n’yo?”

Sagot naman ni Andrea, “Ay opo. Lalo na po nu’ng lock-in kasi araw-araw kaming nagsasama du’n, literal ho na araw-araw. Mas madami akong na-discover sa kanya na ‘di ko alam dati.”

At this point ay nakakatuwa ang reaksyon ni Seth na patangu-tango.

Paglalarawan ni Andrea kay Seth, “Ano pala siya, antukin, sobra! Natutulog po lagi lagi. Madami, madami pang… mabait naman siya, sobra. Matulungin, magalang at nakakatawa.”

Mas lalong ’kaaliw ang tanong ni Seth kung may problema raw ba si Andrea sa kanya.

“Parang hindi ka na raw natatawa sa kanya kasi nababasa ko sa Twitter na parang medyo ano raw kayo, may problema, meron ba? Wala ba?”

Seryosong sagot naman ni Andrea, “Wala!”

She added, “Parang sa akin kasi siguro, ang mga fans, madami silang napapansin din. Ako, hindi ko rin naman sila masisisi, kasi ako, bilang… as a fangirl, kapag Blackpink, mga live nila, ang dami ko ring pinapansin.

“Pero kasi, sometimes, ’pag masyado nilang pinupuna at binibigyang pansin ang isang bagay, ang dami nilang nakikita masyado na hindi lahat ‘yun totoo.”

Pangiti-ngiti naman si Seth habang sinasabi ito ni Andrea.

Marami pang tanong ang young actor sa ka-loveteam na talaga namang ang cute ng dating.

Sa dulo ay nagkaroon pa ng fast talk si Seth kay Blythe (palayaw ni Andrea) at isa sa mga tanong ay “chocolate o ako?”

Akala ni Seth ay chocolate ang isasagot ni Andrea dahil matagal itong hindi sumagot kaya sey ng young actor, “O, sige na, chocolate.”

Pero sabi ni Andrea, “Sige na, ikaw na nga, sweet ka rin naman.”

Hahaha!

Samantala, kasalukuyang napapanood ang dalawa sa seryeng Huwag Kang Mangamba kasama ang dalawa pang ka-grupo sa The Gold Squad na sina Kyle Echarri at Francine Diaz.

AUTHOR PROFILE