Chiz kumpyansa ugnayang PH-US gaganda kay Trump
KUMPIYANSA si Senate President Francis “Chiz” Escudero na mas gaganda ang relasyon ng Pilipinas at US sa muling pagkakahalal kay Donald Trump bilang bagong pangulo ng US.
Ipinahayag niya ang kanyang pag-asa para sa isang produktibong ugnayan sa ilalim ng mga pamilyar na kondisyon.
“I cannot foretell what President-elect Trump may or may not do so I am hopeful that his assumption would bode well for our country,” ang pahayag ng senador.
Sinabi din ng senador ang kahalagahan ng matibay na alyansa ng Pilipinas at US.
“Given our history with his administration, I am confident that the strong partnership we have built can continue, and I hope that it will lead to further cooperation and mutual benefits for both nations,” dagdag niya.
Ang mga pahayag ng senador ibinabahagi niya kasabay ng mga pandaigdigang talakayan tungkol sa magiging epekto ng panalo ni Trump sa patakarang panlabas ng US sa Asya, partikular sa usapin ng kalakalan, depensa at katatagan ng rehiyon.
Ang pahayag ni Escudero sumasang-ayon sa mas malawak na pananaw ng mga opisyal ng Pilipinas na itinuturing ang US bilang mahalagang kaalyado sa larangan ng seguridad at ekonomiya.
“I trust that our shared interests and the friendship between our countries will allow us to weather any challenges that may come,” ani Escudero.