Chito may 1K pogi points sa netizen
SUPER kilig ang naramdaman ng aktres na si Neri Naig matapos siyang bigyan ng bouquet of flowers ng kanyang asawa at Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda.
Sa kanyang Instagram page nitong Martes, Oktubre 3, ibinahagi ng celebrity mom ang larawan ng bigay na bulaklak ni Chito na kanyang nakita pagkadating niya ng hotel room.
Kalakip ng mga bulaklak ang isang letter na sulat ng musikero para kay Neri.
“Wag ka sanang mapagod masyado sa work. Sana makapagpahinga ka ng maayos,” saad ni Chito sa liham.
Tila masayang-masaya naman si Neri na makatanggap ng bulaklak mula sa asawa. Aniya, nakakawala umano ng pagod ang gesture of love na ganito ni Chito.
“Yung pagdating mo sa hotel room mo, may pabulaklak ang asawa mo,” sey niya sa caption ng post.
“Haaaaaaaaay. Super kilig na naman ako. Nakakawala ng pagod. Thank you, Lord, at binigyan mo ako ng ganitong asawa,” dagdag pa ni Neri.
Tila hindi lang ang aktres ang kinilig kay Chito, maging ang ilang netizens din ay nagbigay ng reaksyon.
“So sweet naman. I love it super kakilig talaga pagganyan 1k pogi point.”
“Haisst Sana all na lang po may ganyang asawa.”
“Ikaw na!!!”
“Ang sweet naman ni sir Chito.”