Chito

Chito babu na sa TV para sa Parokya

June 14, 2024 Vinia Vivar 185 views

Nagdesisyon na ang frontman ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda na iwanan muna ang telebisyon at mag-focus na lang sa kanyang banda.

Matatandaang naging judge si Chito ng Idol Philippines Season 2 noong 2022 at naging coach ng The Voice Generations noong 2023.

Sa kanyang mahabang Instagram post, sinabi niya na nami-miss niya ang mga nakasama sa nasabing dalawang shows na sina Julie Anne San Jose, SB19’s Stell, Billy Crawford at Dingdong Dantes sa The Voice Generations, at sina Gary Valenciano, Robi Domingo Moira dela Torre at Regine Velasquez sa Idol Philippines Season 2.

“Namimiss ko na si Stell, si Jules, si Billie at si Dingdong. Namimiss ko na rin si Ate Reg, si Sir Gary, si Robi, and sige na nga… pati si Moi,” aniya.

Sobrang na-enjoy niya ang dalawang shows at nagpapasalamat sa opportunity na ibinigay sa kanya.

“I enjoyed being a coach sa The Voice Generations, and I also enjoyed being a judge sa Idol Philippines Season 2… but I am, first and foremost, the vocalist of Parokya ni Edgar.

“Sobrang saya ng experience ko being a part of both shows.

“Honestly, I didn’t expect na mag-i-enjoy ako as much as I did (ayoko pa nga tanggapin nung una diba?)… and sa totoo, napamahal talaga sa akin lahat ng mga nakilala at nakatrabaho ko on and off cam, both sa GMA and sa ABS, and I felt truly valued and appreciated on both shows/networks.

“Nasama pa nga ako sa Christmas Station ID ng ABS eh, after Piolo Pascual hahaha… akalain nyo yun?!?????

“Sobrang thankful talaga ako sa opportunity at sa overall experience na binigay nila pareho… and I will forever be grateful,” sey ng lead vocalist ng Parokya ni Edgar.

Pero, masyado raw kinakain ang oras niya ng mga show na ito at hindi na nakakasama sa mga gig nila ng kanyang banda.

“Pero, kahit sobrang solid ng experience, the schedule takes too much time away from my band. Dami ko kelangan i-give up na gigs, and ayoko maging unfair sa mga kabanda ko,” aniya.

“Kung ako lang ang iisipin ko, ok na ko mag-taping sa studio at tumambay sa dressing room buong araw, tapos ang saya pa ng TF… pero paano naman yung mga kabanda ko, at yung mga staff and roadies namin?

“I could continue doing TV shows and make money for myself and my family, or I could prioritize our gigs instead, and make enough money for everyone on our team, including their families,” patuloy niya.

“But it’s not just about the money,” he explained. “Playing gigs is such a big part of our lives. That is who we are, and that is what we love doing.

“But more importantly, sa Parokya kasi, mas kontrolado namin ang sked namin, unlike sa TV, kelangan mo talaga mag-work around their sked.”

Sa huli, ayon kay Chito ay mas gusto niya ngayon na makasama ang kanyang pamilya at tumugtog na kasama ang kanyang bandmates.

“And right now, nasa point ako ng buhay ko na mas trip ko na tumambay lang kasama ng pamilya ko, at tumugtog kasama ng mga kabanda ko.”

Pagtatapos pa ng asawa ni Neri Naig, “Walang iwanan sa Parokya. Rakenrol.”

AUTHOR PROFILE