Chipeco susubukang tumakbong mayor muli
SUSUBUKAN ni Justine Marc Timmy Chipeco na makabalik sa dating pwesto bilang mayor ng Calamba City sa Mayo 2025 dahil daw sa kahilingan ng kanyang mga supporters.
Walang patid ang usapang ito sa kanyang programang “Calambalik.”
Ayon sa kanya, halos lahat ng mga sangay ng national government naitayo sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Batid daw niya ang damdamin ng kanyang mga kabababayan kaya gusto niyang manalo sa Mayo 2025.
Nagsilbi rin bilang mambabatas ang dating mayor at naglingkod siya mula 2013 hanggang 2022 bilang ama ng lungsod.
Ayon kay Chipeco, sa darating na September siya magde-decide ng kanyang magiging hakbang upang ipagpatuloy ang kanyang paglaban bilang mayor.